579 total views

Mga Kapanalig, ayon sa 2022 Commitment to Reducing Inequality (o CRI) Index Report ng Oxfam at Development Finance International, nanatiling mahina ang pagtugon ng pamahalaan sa hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa bansa. Sinusukat ng CRI index ang mga ginagawang tugon ng pamahalaan upang sugpuin ang inequality batay sa tatlong aspeto: paggastos sa mga pampublikong serbisyo (o public services spending), pagbubuwis (o taxation), at karapatan ng mga manggagawa at pasahod (o labor rights and wages). Batay sa report, pang-102 ang Pilipinas sa 161 na bansa pagdating sa paglaban sa inequality.

Sa public services spending, bumagsak sa 106 ang posisyon ng Pilipinas mula sa 99 noong 2020. Ayon pa sa report, bagamat tinatayang 20% ng badyet ng pamahalaan ay ginugugol sa edukasyon, kalusugan, at social protection, maliit pa rin ito kumpara sa mga karatig-bansa natin sa Asya. Kumpara sa 2020 CRI Index Report, bumaba ng halos 15% ang badyet para sa edukasyon, samantalang bahagyang tumaas ang badyet para sa kalusugan at 28% naman ang itinaas ng sa social protection. Para kay Lot Felizco, Oxfam Philippines director, sa gitna ng pandemya, nakadidismaya ang gastos-pangkalusugan ng pamahalaan kung saan mahigit 55% ng populasyon ang hindi naisasama sa coverage sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan.

Sa usaping buwis, nasa 104 lamang ang ranggo ng Pilipinas. Mababang koleksyon ng buwis ang sinasabing pangunahing dahilan nito. Ayon sa report, 19% lamang ng potensyal na koleksyon ang nakukuha ng pamahalaan. Malayo ito sa 31% na average na potensyal na koleksyon sa Asya. Para sa Oxfam International, maaaring senyales ito ng malawakang hindi pagbabayad ng buwis ng mga mayayaman at mga negosyo at ng mahinang implementasyon ng mga patakarang may kinalaman sa pagbubuwis.

Sa lagay ng paggawa, pang-92 naman ang Pilipinas. Labis na nakababahala ang posisyon ng bansa pagdating sa paggalang sa karapatan ng mga manggagawa at unyon. Batay sa mga pamantayan ng International Labor Organization na ginamit sa report, ang Pilipinas ay nasa 146 sa 161 na bansa. Samantala, nananatiling nasa 13% lamang ng gross domestic product o kabuuang kita dito sa bansa ang minimum wage ng mga manggagawa. Inilalagay nito ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang minimum wage na maituturing na pag-abuso sa mga manggagawa.

Ang pagkakapantay-pantay ay tanda ng pare-parehong dignidad ng bawat nilikha ng Diyos. Naniniwala ang Simbahang lahat ay nilikhang kawangis ng Diyos kaya may pantay-pantay tayong dignidad. Hindi maituturing na kaunlaran ang pagpapasasà ng iilan sa kanilang yaman sa gitna ng paghihirap ng nakararami. Ito ay pagyurak sa dignidad ng tao at sa magandang plano ng Diyos para sa ating lahat. Katulad ng tanong sa 1 Juan 3:17: “Paanong mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa sinumang maykaya sa buhay sa sanlibutang ito kapag nakikita niya ang kanyang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito pinakikitaan ng habag?” Samakatuwid, ang pagkakaloob sa tao ng nararapat sa kanila ay tanda ng pag-ibig at habag. Ito ay pakikipagtulungan din sa hangarin ng Diyos na makamit ang isang mundong kinikilala at itinataguyod ang dignidad ng lahat.

Mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagsigurong patungo tayo sa mundong ito. Nakita natin sa 2022 CRI Report ang mga bahaging kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan upang epektibong matugunan ang tumitinding inequality sa bansa. Nariyan ang masinop at sapat na paggastos sa mahahalagang pampublikong serbisyo, masigasig na pangungulekta ng buwis, at tunay na pangangalaga at pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa.

Mga Kapanalig, bilang mga Kristiyano, tungkulin nating labanan ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Sama-sama tayong manawagan sa pamahalaan para sa maayos na mga pampublikong serbisyo, mahusay na sistema ng pagkolekta ng buwis, at makataong pasahod sa lahat ng manggagawa. Huwad ang kaunlaran kung marami ang naiiwang sadlak sa kahirapan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,519 total views

 5,519 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,564 total views

 13,564 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,644 total views

 18,644 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,351 total views

 24,351 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,139 total views

 33,139 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,520 total views

 5,520 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,565 total views

 13,565 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,645 total views

 18,645 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,352 total views

 24,352 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,140 total views

 33,140 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,106 total views

 40,106 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,420 total views

 54,420 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,110 total views

 58,110 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,713 total views

 56,713 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,700 total views

 66,700 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,668 total views

 70,668 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,555 total views

 81,555 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,994 total views

 93,994 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,752 total views

 104,752 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,005 total views

 52,005 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top