Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SIM Card Registration Act: usapin ng tiwala

SHARE THE TRUTH

 1,393 total views

Mga Kapanalig, pinirmahan noong nakaraang Lunes ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ang unang batas sa ilalim ng kanyang administrasyon—ang Republic Act No. 11934 o ang Subscriber Identity Module (o SIM) Card Registration Act.

Na-veto na ang nasabing batas ni dating Pangulong Duterte dahil, sa maniwala kayo o hindi, maaari daw nitong ilagay sa alanganin ang karapatang pantao ng mga Pilipino. Katwiran pa ng dating presidente, lalabagin daw ng mandatory SIM card registration at pagpaparehistro ng social media accounts ang malayang pamamahayag (o free speech) at ang data privacy ng mga tao dahil mapipilitan silang gamitin ang kanilang tunay na pangalan.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga telco companies ay dapat makuha ang identification ng mga bibili ng SIM cards. Ang mga mayroon naman nang SIM card ay dapat irehistro ito sa loob ng itinakdang panahon. Kapag may subpoena o utos ang korte sa mga telcos, kailangan nilang ibigay ang lahat ng detalye ng nagmamay-ari ng isang SIM card. Parurusahan naman ang mga magpaparehistro ng kanilang SIM card gamit ang pekeng impormasyon, ibang pagkakakilanlan, o dinayang mga dokumento. Inalis na sa batas ang probisyong nire-require ang mandatory registration ng mga social media accounts.

Layunin ng batas na masawata ang panloloko o fraud na hindi maitatangging laganap at maraming nabibiktima ngayon. Nitong mga nakalipas na buwan lamang, marami sa atin ang nakatanggap ng mga spam messages o texts mula sa mga taong hindi natin kakilala. Para sa mga nagsulong ng SIM Card Registration Act, kabilang ang mga telcos at bangko, malaking hakbang ang batas upang matukoy ang mga nasa likod ng panloloko gamit ang cellphone.

Ngunit sa bilis ng pagbabago sa teknolohiya, tiyak na makakahanap ng paraan ang mga masasamang-loob upang makapanloko. At kapag nakalipat na sila sa ibang paraan, pangamba ng mga eksperto, ang ating datos ay nasa kamay na ng pamahalaan. Magastos itong i-maintain at maaari ding nakawin ng mga hackers at iba pang nais gamitin ang datos na ito sa masamang gawain.

Ang ganitong pangamba ay nagmumula marahil sa kawalan natin ng tiwala sa gobyerno—hindi lamang sa mga pulitikong may mga pansariling interes na gustong unahin, kundi sa sistemang hindi maayos na pinatatakbo sa simula pa lamang. Ano ang garantiya nating mapangangalagaan ng pamahalaan ang ating datos kung simpleng national ID lamang ay buwan o taon ang bibilangin upang mapasakamay ng nag-apply nito? Ano ang proteksyon ng mga taong nais ibulgar ang mga nalalaman nilang mali at baluktot sa pamahalaan kung hawak nito ang datos ng sinuman at kaya nitong tuntunin ang mga pumupuna o may sensitibong impormasyon? Hindi kaya nito paliliitin ang espasyo kung saan malaya nating naibabahagi ang ating mga saloobin lalo na’t walang patumpik-tumpik ang marami sa red-tagging o malisyosong pag-uugnay sa mga kritiko sa mga itinuturing na teroristang grupo?

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, sinasabing ang gobyerno ay may positive moral function. Kasangkapan ito upang maitaguyod ang dignidad ng mga mamamayan, mapangalagaan ang kanilang mga karapatan, at maisulong ang kabutihang panlahat o common good. Ngunit mahalagang pinagkakatiwalaan ang pamahalaan ng taumbayan, hindi dahil takót sila sa gobyerno kundi dahil nakataya rito ang kanilang kapakanan. Sa isyu tungkol sa SIM Card Registration Act, marami tayong nakikitang dahilan kung bakit hindi nagtitiwala ang marami sa gobyerno at kung bakit tila mas matimbang ang mga panganib kaysa sa mga benepisyong dala nito.

Mga Kapanalig, ipinahihiwatig nga sa Roma 13:4-6 na ang mga pinuno natin ay kasangkapan ng Diyos upang umiral ang katarungan sa ating lipunan. Sa mga batas na isinusulong ng mga nasa pamahalaan, maipakita nawa nila ang kanilang pagiging mapagkakatiwalaang tagapaglingkod hindi lamang ng taumbayan kundi ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,266 total views

 5,266 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,366 total views

 13,366 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,333 total views

 31,333 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,708 total views

 60,708 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,285 total views

 81,285 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,267 total views

 5,267 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 13,367 total views

 13,367 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,334 total views

 31,334 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,709 total views

 60,709 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 81,286 total views

 81,286 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 84,964 total views

 84,964 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 95,745 total views

 95,745 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 106,801 total views

 106,801 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 70,663 total views

 70,663 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,092 total views

 59,092 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,314 total views

 59,314 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,016 total views

 52,016 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,561 total views

 87,561 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,437 total views

 96,437 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,515 total views

 107,515 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top