Lalahok sa One Million Praying the Rosary, pinasalamatan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Umaasa ang punong pastol ng Archdiocese of Manila na pahalagahan ng mananampalataya ang pagdarasal ng santo rosaryo.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa gaganaping One Million Children Praying the Rosary ng Pontifical Foundaton – Aid to the Church in Need (ACN).

Sinabi ni Cardinal Advincula na magandang regalo sa Mahal na Ina ang inisyatibo ng ACN lalo’t pagbuklurin sa panalangin ng santo rosaryo ang mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“Malugod kong binabati ang lahat ng mga lalahok sa One Million Children Praying the Rosary. Kay halagang regalo sa atin ng ating Mahal na Ina ang santo rosaryo … Maunawaan nawa natin ang mas malalim na kabuluhan nito,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batid ng arsobispo na sa pamamagitan ng santo rosaryo ay tinuruan ng Mahal na Birhen ang sangkatauhan na maging matiyaga at tapat sa buhay pananalangin.

Nilinaw ng cardinal na bagamat nai-uugnay kay Maria ang pagrorosaryo ito naman ang paraan ng Mahal na Ina na ituon ang tao kay Hesus na nagligtas sa sanlibutan.

Una nang umapela si Pope Francis sa makikilahok sa One Million Children Praying the Rosary na ipanalangin ang natatanging intensyon na mawakasan ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakapipinsala hindi lamang sa mamamayan kundi sa pandaigdigang ekonomiya.

Iginiit din ni Cardinal Advincula na sa santo rosaryo ay maaring idulog ang kahilingan ng kapwa, ng lipunan at simbahan sapagkat ito ay nakatutulong na mapalapit ang tao sa Diyos.

“Kahit kailan at saan ay maaari tayong magdasal ng rosaryo; ang araw-araw na pagsambit nito ay humuhulma sa ating puso para sa Diyos at kapwa … Nawa’y hindi lamang ito maging laman ng ating bulsa o bag, o nakasabit sa ating leeg at sasakyan,” giit ni Cardinal Advincula.

Gaganapin online sa October 18 ang One Million Children Praying the Rosary sa pangunguna ng ACN Phlippines katuwang ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mapapanuod sa page ng ACN – Aid to the Church in Need, TV Maria at iba pang social media pages ng mga simbahan.

Inaanyayahan ng ACN ang mga estudyante, paaralan, institusyon at maging ang mga pamilya na makiisa sa pagdarasal ng santo rosaryo sa natatanging intensyon na mawakasan ang karahasan, pandemya at paghilom ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,970 total reads

 22,970 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,454 total reads

 103,454 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,681 total reads

 197,681 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,170 total reads

 258,170 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,881 total reads

 270,881 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,699 total reads

 36,699 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top