Catholic schools, nagpapasalamat sa pagpayag ng DepEd na ipagpatuloy ang blended learning scheme

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Nagpapasalamat ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa naging tugon ng Department of Education (DepEd) sa pagpapahintulot sa mga Private School na ipagpatuloy ang blended learning modality sa Nobyembre.

Ayon kay Jose Allan Arellano-CEAP Executive Director, ang panawagan ay kaugnay na rin sa kahilingan ng mga pribadong paaralan na kasapi sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na ipagpatuloy ang blended learning sa mga private schools.

Sinabi ni Arellano, bukod sa ginawang paghahanda ng mga paaralan sa blended learning modalities, marami pa ring mga magulang ang hindi pa handa na papasukin sa mga paaralan ang kanilang mga anak dulot pa rin ng pangamba sa novel coronavirus.

“The COCOPEA wrote to DepEd appealing to be allowed blended learning, there is a need for the private schools to do this as many of our parents requested for the same, the schools heavily invested in the blended learning modalities.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.

Batay sa DepEd Order No.44 na inaamyendahan ang DepEd Order No.34, pinapahintulutan ng kagawaran ang tatlong araw na pagdaraos ng face to face classes at dalawang araw na distance learning katulad ng modular at online classes sa mga pribadong paaralan.

‘Starting November 2, 2022, all public Schools shall have transitioned to 5-day in person classes, after the said date, no public school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning except for those that are expressly provided an exemption by the Secretary of Education,’ ayon sa inilabas na DepEd Order No.44 sa mga Public Schools.

Sa tala ng DepEd noong 2021 ay aabot sa higit 12,800 ang lahat ng private schools sa buong bansa habang aabot naman sa mahigit 6-libo ang miyembro ng CEAP.

Sa School Year 2022-2023, umabot sa 28-milyon ang bilang ng mga mag-aaral sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,500 total reads

 12,500 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,767 total reads

 49,767 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 276,037 total reads

 276,037 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,504 total reads

 169,504 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,917 total reads

 262,917 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top