LUNES, NOBYEMBRE 14, 2022

SHARE THE TRUTH

 615 total views

Lunes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Pahayag 1, 1-4; 2, 1-5a
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Lucas 18, 35-43

Monday of the Thirty-third Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Pahayag 1, 1-4; 2, 1-5a

Ang simula ng aklat ng Pahayag

Ito ang paghahayag ng Diyos kay Hesukristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel. Ang layon ng paghahayag na ito’y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. Ito ang patotoo ni Juan sa mga nakita niya – tungkol sa inihayag ng Diyos at pinatunayan ni Hesukristo. Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa hulang inihahayag nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat ang lahat ng ito’y malapit nang maganap.

Buhat kay Juan –
Sa pitong simbahan sa Asia:
Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos – Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating – at mula sa pitong espiritung nasa harap ng kanyang trono.

Narinig ko ang Panginoon at sinabi niya sa akin, “Isulat mo sa anghel ng simbahan sa Efeso:

“Ito ang ipinasasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, ang lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto, ang iyong mga pagpapagal at pagtitiyaga. Alam kong namumuhi ka sa masasama. Sinubok mo ang mga nagpanggap na apostol, at napatunayan mong sila’y bulaan. Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin, at hindi nanlupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka sa akin – hindi mo na ako mahal tulad ng dati. Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa mo noong una.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos ng dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 18, 35-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Malapit na si Hesus sa Jerico, at doo’y may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Hesus na taga Nazaret,” sabi nila. At siya’y sumigaw, “Hesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Kaya’t tumigil si Hesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Hesus, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” “Panginoon, ibig ko po sana’y manumbalik ang aking paningin,” sagot niya. At sinabi ni Hesus, “Mangyari ang ibig mo! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.” Noon din, nakakita siya at sumunod kay Hesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang malinaw nating makita ang kanyang daan at sundan siya nang buong puso.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sinagan mo kami ng iyong liwanag.

Ang mga pinuno ng Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang huwarang pamumuhay, nawa’y maipakita sa atin ang daan patungo sa Kaharian ng Diyos Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, nawa’y palagi nating bigyan-pansin ang mga hinatulan, tinanggihan, at hindi minamahal sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ng bulag ng Jerico tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig sa nakapagpapagaling na presensya ni Jesus at sundan siya sa daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa sa kalabuan ng paningin o pagiging bulag nawa’y makatagpo ng kagalingan at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapayapaan at liwanag sa kaluwalhatian ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pagmamahal at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang mabuhay kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari kasama mo ngayon at magpakailanman. Amen.

REAL LIFE

 6,888 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 7,902 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 55,594 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 55,595 total views

 55,595 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 126,752 total views

 126,752 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 158,034 total views

 158,034 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 190,050 total views

 190,050 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 339,366 total views

 339,366 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 1,941 total views

 1,941 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 3,313 total views

 3,313 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 4,586 total views

 4,586 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 5,336 total views

 5,336 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 6,917 total views

 6,917 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top