BIYERNES, NOBYEMBRE 25, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,091 total views

Biyernes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay Santa Catalina ng Alexandria, dalaga at martir

Pahayag 20, 1-4. 11 – 21, 2
Salmo 83, 3. 4. 5-6a at 8a

Ang Diyos ay nananahan
sa piling ng kanyang bayan.

Lucas 21, 29-33

Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Catherine of Alexandria, Virgin and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Pahayag 20, 1-4. 11 – 21, 2

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng banging walang hangganan ang lalim. Sinunggaban niya ang dragon, ang ahas noong unang panahon na siya ring Diyablo at Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon. At inihagis ito ng anghel sa banging walang hangganan ang lalim, saka sinarhan at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hanggang di natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos noo’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.

Nakakita ako ng mga trono at ang mga nakalulok doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Hesus at paghahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa larawan nito ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Kristo sa loob ng sanlibong taon.

Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaluklok doon. Naparam ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. At nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at maging hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, gaya ng nasusulat sa mga aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na nasa kanya. Inilabas din ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan. Itinapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.

Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa; wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, bumababang galing sa langit buhat sa Diyos, gaya ng babaing ikakasal, gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 83, 3. 4. 5-6a at 8a

Ang Diyos ay nananahan
sa piling ng kanyang bayan.

Nasasabik ang lingkod mong sa patyo mo ay pumasok.
Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod,
sa masayang pag-awit ko pinupuri’y buhay na Diyos.

Ang Diyos ay nananahan
sa piling ng kanyang bayan.

Panginoon, sa templo mo, mga maya’y nagpupugad,
maging ibong layang-laya sa templo mo’y nagagalak,
may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;
O Poon, hari namin at Diyos na walang kupas.

Ang Diyos ay nananahan
sa piling ng kanyang bayan.

Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan
at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan.
Ang sa iyo umaasa’y masasabing mapalad din,
habang lumalakad, lalo mo nga silang palakasin.

Ang Diyos ay nananahan
sa piling ng kanyang bayan.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 29-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko’y hindi magkakabula.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Tinatawag tayo ng Panginoon na magbantay sa kanyang muling pagbabalik. Lumapit tayo sa Ama sa panalangin habang naghihintay sa kanyang pagdating.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng kasaysayan, palakasin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y makatugon sa tawag ng pagbabalik-loob at pagbabago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabuting kalooban nawa’y sama-samang kumilos para wakasan ang pag-aaway at digmaan, pang-aapi at kawalang katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating kamulatan sa presensya ni Kristo nawa’y higit pa nating palawigin sa ating mga dukha at mga naghihirap na kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y pagkalooban ng lakas at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y maranasan ang walang hanggang kaligayahan sa piling ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, pakinggan mo ang aming mga panalangin. Buksan mo ang aming paningin sa iyong presensya sa aming piling. Ilapit mo kami sa iyo araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 33,742 total views

 33,742 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 33,742 total views

 33,742 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 33,742 total views

 33,742 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 32,609 total views

 32,609 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 29,638 total views

 29,638 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 1,864 total views

 1,864 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 1,864 total views

 1,864 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 1,864 total views

 1,864 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 730 total views

 730 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 730 total views

 730 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top