ACN, kaisa ng Apostolic Vicariate of Jolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total views

Tiniyak ng Aid to the Church in Need Philippines ang pagbibigay suporta at tulong sa Apostolic Vicariate of Jolo kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral o mas kilala bilang Jolo Cathedral sa kasagsagan ng Banal na Misa noong Linggo ika-27 ng Enero.

Ayon kay Aid to the Church in Need Philippines National Director Jonathan Luciano, makakaasa sina Rev. Fr. Romeo Saniel, Apostolic Administrator ng Jolo at Cotabato Archbishop-elect Angelito Lampon sa pagsuporta at pakikiisa ng ACN sa muling pagbangon at patuloy na pagpapatatag ng pananampalataya ng mga Kristyano’t Katoliko sa lalawigan.

“Patuloy ang suporta ng Aid to the Church in Need at siniguro po natin kay Fr. Romeo Saniel at ganun din po kay Archbishop Lito Lampon na ipagpapatuloy po ang pagsuporta ng ACN Philippines sa Jolo, matagal na pong sinusuportahan ng Aid to the Church in Need ang Apostoic Vicariate ng Jolo at ngayon po higit po na makikiisa, magiging kaisa ng Apostolic Vicariate ng Jolo ang Aid to the Church in Need sa patuloy na pagbangon dito po sa pangyayaring ito at sa patuloy na pagpapalaganap po ng ating pananamapalataya…” pahayag ni Luciano sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, inihayag rin ni Luciano ang nakatakdang pagtungo sa Apostolic Vicariate of Jolo ng ilang mga kinatawan mula sa Aid to the Church in Need Philippines upang personal na makita at masuri ang epekto ng dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral.

Ipinaliwanag ni Luciano na mahalagang makita ng mga kinatawan ng ACN Philippines ang sitwasyon sa lalawigan upang mas epektibong makapagkaloob ng tulong sa Apostolic Vicariate of Jolo para mabilis na makabangon mula sa naganap na madugong insidente.

Batay sa pinakahuling tala ng mga otoridad umaabot na sa mahigit 20 ang nasawi habang mahigit naman sa 100 ang sugatan sa naganap na dalawang pagsabog sa loob at labas ng Jolo Cathedral.

Ang ACN Philippines ay bahagi ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na naitatag noong 1947 bilang isang Catholic aid organization na kinilala bilang Papal Foundation noong 2011 na nagbabantay sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa mga migrants at refugees at maging sa mga kaso ng religious persecution sa iba’t ibang bansa

Batay sa Catholic Directory of the Philippines may aabot sa 29,500 ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Apostolic Vicariate of Jolo mula sa mahigit 1.7-milyong kabuuang populasyon sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 61,076 total views

 61,076 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 83,186 total views

 83,186 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 159,017 total views

 159,017 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 158,580 total views

 158,580 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top