Obispo ng Borongan, nag-alay ng panalangin sa mamamayan ng Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530 total reads

Nagpaabot ng panalangin si Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya at sa lahat ng mamamayan sa Mindanao na naapektuhan ng mga pagsabog at patuloy na nangangamba sa kanilang kaligtasan.

Ipinanalangin ng Obispo na nawa ay manatiling mapanatag ang mga tao at hindi na magkaroon ng ibayong komplikasyon ang naganap na pagsabog.

Dagdag pa ng Obispo, makamit nawa sa lalong madaling panahon ang katahimikan at kapayapaan sa lugar, at mangibabaw din ang katarungan para sa mga biktima ng pagsabog.

“Sana po ay manatiling matatag at manatiling mapanatag ang mga tao, hindi mag gawa ng complication ang mga pangyayari para ma maintain ang katahimikan sana po mangibabaw ang hustisya kung sino po ang gumawa ng ganitong mga bagay na nakakaapekto sa kapayapaan ng isang komunidad.” Bahagi ng panalangin ni Bishop Varquez.

Matatandaang noong linggo ng umaga ika-27 ng Enero dalawang bomba ang sumabog sa Jolo Cathedral na kumitil sa buhay ng 20 indibidwal at nag-iwan ng mahigit sa 100 mga sugatan.

Samantala nito namang umaga ng ika-30 ng Enero, sumabog din ang granada sa loob naman ng Logoy Diutay, Barangay Talon-Talon mosque sa Zamboanga City na nagdulot ng pagkasawi ng dalawang indibidwal habang tatlo ang sugatan.

Una na ring nagpaabot ng panalangin si Davao Abp. Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa nangyaring insidente ng pagsabog sa Katedral ng Jolo.

Naniniwala ang simbahang katolika na hindi malulutas sa pamamagitan ng karahasan ang anu mang hindi pagkakasundo, at kailanma’y hindi makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng paggamit ng dahas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 76,584 total reads

 76,584 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,286 total reads

 124,286 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,157 total reads

 172,157 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,104 total reads

 276,104 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 358,627 total reads

 358,627 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,414 total reads

 42,414 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,291 total reads

 35,291 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top