Ipagdasal ang pagbisita ng mga Obispo kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 899 total reads

Nanawagan si Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas – dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga Obispo ng Pilipinas sa kanilang nalalapit na pagbisita sa Santo Papa.

Isasagawa ng mga Obispo ang nakaugaliang Visita Ad Limina Apostolorum o Visit to the Threshold of the Apostles ngayong darating na Mayo upang makipag-usap sa Santo Papa, at mabigyan ito ng malawak na pananaw tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas.

Ayon kay Archbishop Villegas, mahalaga ang pagbisitang ito dahil sinasagisag ng Visita Ad Limina Apostolorum ang pakikipag-ugnayan ng mga Obispo kay San Pedro bilang Santo Papa, na ngayon ay kinakatawan ni Pope Francis.

“Nananawagan po ako sa ating mga kapatid na katoliko, ipagdasal po ninyo ang ating mga Obispo upang sa kanilang pakikipagpulong kay Pope Francis, makita talaga ni Pope Francis ang tunay na nangyayari sa atin at kapag nakita nya ay maipagdasal tayo at mabigyan din tayo ng payo sa mga dapat nating gawin upang maging mga mabubuting kristiyano sa ating bayan” bahagi ng pahayag ni Abp. Villegas sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng dating pangulo ng CBCP na sa pagsasagawa ng Visita Ad Limina Apostolorum ay isa-isang kinakausap ng Santo Papa ang mga Obispo upang makapagpaabot ng kanilang mensahe.

Dahil malaki ang Pilipinas, magkakahiwalay na pupunta sa Vatican ang mga Obispo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Matapos ito ay bibisita din ang mga Obispo sa mga kongregasyon sa Vatican at dadalaw sa apat na Major Basilica na Basilica ng San Pedro, San Pablo, Sta. Maria Majore at Lateran Basilica.

Nilinaw ni Abp. Villegas na ang pagpuntang ito sa Roma ng mga Obispo ay hindi bilang mga turista kundi bilang spiritual journey pilgrimage sa libingan ni San Pedro, at sa kanyang kahalili.

Ang Visita Ad Limina Apostolorum ay isinasagawa kada limang taon, subalit ayon kay Archbishop Villegas, tumagal ito ng 9 na taon dahil nagkaroon ng pagpapalit ng Santo Papa at noong mapalitan naman ni Pope Francis si Pope Benedict XVI ay dumalaw naman ito sa Pilipinas kaya tumagal pang muli ang itinakdang pagdalaw ng mga Obispo ng Pilipinas sa Roma.

Sa kasalukuyan mayroong mahigit sa mahigit sa 100 ang mga Obispo at arsobispo ng Pilipinas na nangangasiwa sa 86 na mga Diyoseis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,737 total reads

 74,737 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 122,545 total reads

 122,545 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,416 total reads

 170,416 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,363 total reads

 274,363 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,978 total reads

 356,978 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,368 total reads

 42,368 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,246 total reads

 35,246 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top