Panalangin sa mga biktima ng Jolo bombings, isasama sa lahat ng misa sa Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Hinimok ng Archdiocese of Manila ang mga Pari sa Arkidiyosesis na isama sa panalangin sa lahat ng misa sa araw ng Linggo ang mga naging biktima ng pambobomba sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Sa inilabas na circular letter, hinihiling sa bawat parokya na isama sa ‘Prayers of the Faithful’ ang panalangin para sa mga nasawi at nasugatan sa pagsabog.

“As an expression of our solidarity to the victims of the Jolo Cathedral bombing last Sunday, January 27, to those who are injured and those who died, their families, and the community of Jolo, may we ask that this intention be included in the Prayer of the faithful of our Masses, especially on Sunday, February 3, 2019,” bahagi ng circular letter na nilagdaan ni Fr. Reginal Malicdem, chancellor ng Archdiocese of Manila.

Nakapaloob sa panalangin ang pakikidalamhati at kahilingan na matamo ng mga biktima ang kapayapaan at kapanatagan sa kabila ng naganap na karahasan.

“Isama natin sa ating mga panalangin ang mga biktima ng karahasan sa pagpapasabog sa Katedral ng Jolo. Sa mga sumakabilang buhay, matamo nawa nila ang walang hanggang kapayapaan. Sa mga nasaktan, namatayan, at pinamamayanihan ng takot, matagpuan nawa nila sa Panginoon ang kapanatagan, katiwasayan, at paghahari ng kapayapaan sa kanilang pamayanan. Manalangin tayo sa Panginoon.” bahagi ng circular letter

Noong Linggo, higit sa 20 ang nasawi habang may 100 ang sugatan sa magkasunod na pagsabog.

Sa kabila ng trahedya, hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na maging mahinahon at patuloy na ipanalangin ang kapayapaan hindi lamang sa Mindano kundi sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 73,204 total reads

 73,204 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 121,116 total reads

 121,116 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,987 total reads

 168,987 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,934 total reads

 272,934 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,606 total reads

 355,606 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top