Mahigpit na seguridad, ipapatupad ng Quiapo church.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga deboto at mananampalatayang nagsisimba.

Ipapatupad ang mahigpit na seguridad kasunod ng naganap na pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero.

Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong – Parochial Vicar ng Quiapo Church, mayroon nang karagdagang K-9 units ang naglilibot sa paligid ng Simbahan habang nagdagdag na rin ng mga security personnel.

“Sa ngayon nagdagdag ng mga K-9, tapos pinapalibot palagi kasi yung mga K-9 namin mababait na daw kaya pinapalitan sila para talagang ma-check tapos nagdadagdag din ng mga security personnel tapos mas doblehin pa o triplehin pa yung pag-iikot nila, every now and then chini-check yung mga bangko, yung mga upuan pati yung mga natutulog kapag gabi, so ichini-check din yun…” pahayag ni Father Badong sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaapela naman ang Pari sa bawat mananampalataya at mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na maging mapagmatyag sa kalagayang pang-seguridad sa paligid ng Simbahan.

Hinimok ni Father Badong ang lahat na tumulong at makibahagi sa pagtiyak ng kaligtasan bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagiging mapagmasid at agad na pagsusumbong sa mga otoridad ng anumang kahina-hinala sa labas at loob ng Simbahan.

“Sa mga pupunta ng Simbahan, isipin din natin yung kapakanan ng kasama natin at maging mapagmasid, laging i-report kung merong mga kahina-hinala, tumulong lang tayo sa ikakaayos din naman at ikakaligtas ng bawat isa…” dagdag pahayag ni Father Badong.

Ang pahayag ng Pari ay kaugnay sa paglalagay sa ‘heightened alert’ sa buong bansa kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero kung saan umabot sa mahigit 20 ang namatay habang mahigit 100 naman ang sugatan.

Ang Minor Basilica of the Black Nazarene ay dinarayo ng libu-libong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Kaugnay nito sa Archdiocese of Davao ay una ng ipinag-utos ni Davao Archbishop Romulo Valles at Davao Mayor Sarah Duterte ang pagbabawal sa pagdadala ng mga bag tulad ng backpack at knapsacks sa loob ng mga Simbahan bilang bahagi ng ‘security measure’ ng Simbahan.

Read: Pagdadala ng bag sa loob ng Simbahan, ipinagbawal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 17,011 total views

 17,011 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 91,625 total views

 91,625 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 171,704 total views

 171,704 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 214,843 total views

 214,843 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 214,890 total views

 214,890 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top