Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Akmang Solusyon sa Pabahay, Asan na?

SHARE THE TRUTH

 165 total views

Kapanalig, ang pabahay ay pangarap ng maraming Pilipino. Hindi magarbo, simple lang ang nais ng karamihan sa atin. Kahit maliit na bahay lamang, basta matatawag nating atin, okay na para sa marami.

Ayon sa datos mula sa DTI Board of Investments, ang housing backlog sa ating bansa ay nasa 3.9 milyong kabahayan. Kung makakapagtayo tayo ng 200,000 units kada taon,  simula 2012 hanggang 2030, may backlog pa rin at maari pa itong tumaas sa 6.5 milyong kabahayan pagdating ng 2030.

Bakit ba mahirap magkabahay sa ating bayan? Kapanalig, mahal kasi ang bahay at lupa sa mga lugar kung saan malapit ang mga trabaho. Hirap abutin ng karaniwang Pilipino ang halaga ng bahay malapit sa mga sentro ng kalakalan at negosyo sa bayan.

Kaya nga’t parang kabuteng nagsusulputan ang mga informal settlements o mga karitong bahay sa pagitan ng mga subdibisyon at kahit pa nga buildings minsan. Kasi naman, kung lalayo pa sila sa trabaho, gutom na aabutin ng pamilya nila. Kadalasan naman, pag-uwi sa bahay, pahinga na lang ang hanap nila, kaya’t okay na rin kahit pa sa barong-barong tumira.

Kung sa ganitong perspektibo kapanalig, mahirap nga ata magkabahay para sa maraming Pilipino. Marami na rin naman kasing mga pabahay ang inalay ang mga iba ibang administrasyon sa ating bayan. Wala pa ring makatyempo ng solusyon sa kanila.

Kailangan na natin ng mga inobatibong solusyon para sa isyu ng housing, at dapat mas lumapad pa ang pananaw natin dito. Ang mga dating solusyon kasi kapanalig, patse-patse ang sagot, pabahay lamang. Hindi akma ang solusyon na ito sa isyung pabahay sa kontektso ng ating bansa. Ang kakulangan ng pabahay sa atin ay isyung napapaloob sa isyu ng trabaho at kabuhayan, na kaugnay rin ng isyu ng urbanisasyon.

Hangga’t makitid ang ating pananaw sa isyu ng pabahay, hindi mabibigyang solusyon ang problema. Kapanalig, ang esensya ng nagsusulputang informal settlements sa bansa, lalo sa mga sentro ng kalakalan, ay survival. Hangga’t hindi survival ang target, laging sablay. Bakit ba naman tatanggi ang maralita sa maayos na pabahay kung malapit naman ito sa trabaho, diba? Pero kung walang trabaho, kapanalig, ang pabahay na regalo mo ay tila isa lamang de-pintuang nitso.

Isang paalala mula sa Panlipunang Turo ng Simbahan, hango sa Solicitudo Rei Socialis: Ang kawalan ng pabahay ay sersyosong suliranin na nagpapakita kung gaano tayo kalayo sa tunay na kaganapan at kaunlaran ng mamamayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,147 total views

 16,147 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,628 total views

 23,628 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 36,768 total views

 36,768 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 42,741 total views

 42,741 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 48,495 total views

 48,495 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,148 total views

 16,148 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,629 total views

 23,629 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 36,769 total views

 36,769 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 42,742 total views

 42,742 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 48,496 total views

 48,496 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,256 total views

 41,256 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,340 total views

 42,340 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,721 total views

 37,721 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,725 total views

 49,725 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,767 total views

 57,767 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,324 total views

 49,324 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,749 total views

 47,749 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,535 total views

 49,535 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,460 total views

 46,460 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,774 total views

 60,774 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top