VeritasPH

The Word, The Truth

Aksyunan ang daíng ng mga Pilipinong nars

SHARE THE TRUTH

 243 total views

Mga Kapanalig, itinuturing na tagumpay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa kanyang unang isandaang araw sa Malacañang ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa sektor ng kalusugan. Nariyan daw ang paglalaan ng isang bilyong piso para sa special risk allowance ng mga healthcare workers. Pinaigting din daw ang kampanya sa pagbabakuna ng booster laban sa COVID-19. Ginawang voluntary ang pagsusuot ng face mask upang muling sumigla ang ekonomiya.

Ngunit may malalalim pang problema sa sektor na nangangailangan ng agarang aksyon.

Alam ba ninyong kulang pala tayo ng mahigit isandaang libong nars sa Pilipinas? Ayon ito mismo kay DOH OIC at Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Dagdag naman ng grupong Filipino Nurses United (o FNU), mahigit 124,000 na nars na naririto sa ating bansa ngayon ay itinuturing ng DOH bilang nasa “unspecified practice” o walang trabaho o ‘di kaya’y nasa ibang larangan. Samakatuwid, hindi problema ang suplay ng mga nars sa Pilipinas; hindi lamang sila binibigyan ng gobyerno ng sapat at mabigat na dahilan upang piliing manatili at maglingkod dito.

Sa tala ng Professional Regulation Commission (o PRC), may halos isang milyong registered nurses noong 2021. At sa bilang na ito, ayon naman sa DOH, mahigit 300,000 ang nangibang-bansa upang magtrabaho bilang nars. Bakit nga ba hindi nila pipiliing makipagsapalaran sa ibang bansa kung ang sahod ng isang nars sa Pilipinas ay nasa ₱20,000 kada buwan lamang samantalang ₱60,000 ang matatanggap nila sa Vietnam at ₱275,000 naman sa Amerika? Mataas nang kaunti—o nasa ₱35,000 naman—ang suweldo ng mga nars na nagtatrabaho sa mga pampublikong ospital, ngunit napakaraming pasyente naman ang kanilang inaasikaso at kaawaawa ang kondisyon sa pagtatrabaho ng marami sa kanila.

Sinabi ni PBBM sa ika-isandaang anibersaryo ng Philippine Nurses Association noong Setyembre na “Filipino nurses should be recognized.” Ipinangako rin niyang pagbubutihin ng kanyang gobyerno ang mga kondisyon sa pagtatrabaho ng mga nars. Gayunman, ayon pa rin sa FNU, nananatili ang mga isyung kinakaharap ng mga nars na pinalalâ pa ng pandemya at ng mabagal na pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng ating mga healthcare workers. Ipagdiriwang pa naman sa susunod na linggo—ang huling linggo ng Oktubre—ang Nurses’ Week sa Pilipinas, kaya’t maging okasyon sana ito upang seryosong pagtuunan ng pansin—at aksunan—ng pamahalaan ang daing ng ating mga nars.

Ang pagkakaroon ng trabahong may sapat na sahod at mga kaukulang benepisyo ay kailangan at napakahalaga para sa pagtataguyod ng dignidad ng tao, isang mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Santa Iglesia. Ito ang susi sa ikauunlad hindi lamang ng manggagawa kundi pati ng kanyang pamilya at ng mga umaasa sa kanya. Sa kanila rin nakasalalay ang ganap na pag-unlad ng lipunan. Sa kaso ng mga nars sa ating bayan, kung mabibigyan lamang sila ng sahod na sapat para sa kanilang sarili at mga sinusuportahan at kung matitiyak ang maayos na kalagayan sa kanilang pagtatrabaho, tiyak na mas pipiliin ng mga nars na manatili dito kapiling ang kanilang pamilya sa halip na makipagsapalaran sa ibang bansa.

Mga Kapanalig, ang trabaho ng mga nars ay katangi-tangi dahil sa layunin nitong mapangalagaan ang mga maysakit at mahihina. Ang kanilang propesyon ay pagtatrabaho kasama ang iba at para sa iba—work with others and work for others, paliwanag nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Para ba silang nakikibahagi sa misyon ni Hesus na pagalingin ang mga maysakit at nahihirapan dahil wika nga sa Exodo 15:26, ang Diyos ang ating manggagamot. Kaya bilang mga tagapagtaguyod ng ating kagalingan, marapat lamang na suportahan ang ating mga nars upang manatili ang dignidad at kahulugan sa kanilang piniling misyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,302 total views

 4,302 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,059 total views

 10,059 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,322 total views

 17,322 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,307 total views

 25,307 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 32,843 total views

 32,843 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 4,303 total views

 4,303 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 10,060 total views

 10,060 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 17,323 total views

 17,323 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 25,308 total views

 25,308 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 32,844 total views

 32,844 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,842 total views

 46,842 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,884 total views

 54,884 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,441 total views

 46,441 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,866 total views

 44,866 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,652 total views

 46,652 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,577 total views

 43,577 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,891 total views

 57,891 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,581 total views

 61,581 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,184 total views

 60,184 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,171 total views

 70,171 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top