Arsobispo ng Cebu, nangangamba sa umiiral na “culture of comfort”.

SHARE THE TRUTH

 606 total views

Nangangamba ang arsobispo ng Archdiocese of Cebu na makasanayan ng tao ang pagiging komportable at maisasantabi ang kaugaliang magsakripisyo para sa kabutihan ng nakararami.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Jose Palma sa nalalapit na pagdiriwang ng isang dekadang pagiging santo ni San Pedro Calungsod.

Ipinaliwanag ng arsobispo na hindi dapat nalilimutan ng mananampalataya ang pagsasakripisyo ng mga santo ng simbahang katolika upang itaguyod ang pananampalataya.

“I’m afraid the world has become a world where we seek the culture of comfort. If it’s no longer comfortable, if it’s no longer easy, if it’s no longer enjoyable… parang it’s no longer an obligation. As if we do not have the duty to do it,” pagninilay ni Archbishop Palma.

Binigyang diin ng punong pastol ng Cebu na ang mga martir ng simbahan tulad ni San Pedro Calungsod ay nagsakripisyo para sa simbahan at buong pusong inialay sa Panginoon ang kanilang buhay.

Apela ni Archbishop Palma sa mamamayan na huwag masanay sa pagiging maginhawa sa halip ay harapin ang iba’t ibang hamon ng buhay nang may kababaang loob tulad ng halimbawa ng mga martir ng simbahan.

“We may not be a martyr, but please not conform to the culture of comfort,” ani ng arsobispo.
Iginiit ng opisyal na mahalagang maturuan ang mga kabataan at pagtibayin ang pundasyon ng pagiging kristiyano lalo’t ito ang inaasahang magpapalago ng pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.

Gugunitain ang canonization ni San Pedro Calungsod sa October 21 ang santong tinaguring pintakasi ng mga katekista.

Si San Pedro Calungsod din ang ikalawang Pilipinong napabilang sa mahigit sampung libong mga banal ng simbahang katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,638 total views

 32,638 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,643 total views

 43,643 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,448 total views

 51,448 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,392 total views

 67,392 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,556 total views

 82,556 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 2,849 total views

 2,849 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top