Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 329 total views

Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, 26 Marso 2023, Juan 11:19-27

Sa kuwento tungkol sa muling pagpapabangon ni Hesus kay Lazaro, ang tutukan natin ng pansin ay si MARTA. Ang paglalakbay niya mula sa “ALAM KO” tungo sa “SUMASAMPALATAYA AKO.” Kung paanong binago ni Hesus ang bokabularyo niya, gayundin ang attitude niya.

Consistent ang kwento sa paglalarawan sa “strong personality” ni Marta, lalo na sa Lukas 10. Siya lang yata ang karakter na malakas ang loob na pagsabihan si Hesus, pagalitan siya o pag-utusan siya. Palagay ko talagang close sila.

Dito rin, malakas ang loob niya. Dalawang beses niya sinagot nang pabaláng si Hesus. Sa una, pagkatapos niyang ilabas ang sama ng loob niya: “ Kung narito ka lang hindi sana namatay ang kapatid ko. Ngunit kahit ngayon, ALAM KOng ibibigay sa iyo ng Diyos ang anumang hilingin mo sa kanya.” (Juan 11:21-22)

At ang sagot ni Jesus sa v.23 ay, “Muling mabubuhay ang kapatid mo.” Magri-react naman ulit nang pabaláng si Marta sa v.24, “ALAM KOng mabubuhay siyang muli… sa wakas ng panahon.” Parang sarcastic ang dating—kailan iyon?!

Pagkasabi niya nito siya naman ang mapagsasabihan nang pabalang sa vv. 25-26: “Ako ang muling pagkabuhay at ang ang buhay. Ang sumampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Sumasampalataya ka ba sa sinabi ko?” Take note, hindi tinanong ni Hesus, “Alam mo ba ito?” Kundi, “Sumasampalataya ka ba dito?” Para ba siyang pinaglalakbay mula sa kaalaman ng isip tungo sa kaalaman ng puso sa gitna ng pagluluksa.

Kapag nagluluksa ang tao, para siyang nadidiliman. Lalo na kapag sa pakiwari niya para bang pinabayaan o kinalimutan na siya ng Diyos. May mga sitwasyon na hindi natin lubos maunawaan. At ang mga tanong natin ay hindi madaling sagutin. Tulad ng : Panginoon, Bakit nangyari ito sa kapatid ko? Bakit hinayaan mong mangyari? Question pa lang ng kapatid iyan.

Mas masakit daw kapag ang nagtatanong ay magulang—katulad ng binasbasan ko kahapon: nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, 17 anyos. Nsgsuicide dahil sa depression. Sabi nila—sa Ingles may tumpak na salita para sa babaeng nawalan ng asawa: widow; o sa lalaking nawalan ng asawa, widower. Mayroon din sa namatayan ng magulang: orphan. Ano ang tawag sa nawalan ng anak? Wala, dahil walang salita daw na angkop para ilarawan ang sakit at pait ng mawalan ng anak.

Sabi nila, ang nagluluksa ay parang wala sa sarili. Itong si Marta na dating nagkakandarapa para i-welcome ang kaibigan, ngayon sumbat ang isasalubong sa kaibigan. Uulitin pa ng kapatid niyang si Maria, maya-maya. KUNG NARITO KA LANG. Ibig sabihin—nasaan ka noong kailangan ka namin?

Pero si Hesus hindi na nangatwiran. Hindi na siya nagpaliwanag na wanted siya sa Judea. Pinipigilan nga siya ng mga alagad dahil may peligro aarestuhin siya ng mga awtoridad sa Jerusalem. Tapos, sisisihin pa siya pagdating niya. Kamatayan niya ang magiging kapalit ng pagbuhay niya sa kaibigan. Pero hindi na siya nagpaliwanag. Hindi iyon ang sagot sa bakit ng magkapatid.

Minsan, talagang mas mabuti ang tumahimik na lang kaysa magsalita sa mga taong nagluluksa. Mas mabuting iparamdam na lang na naroon tayo para sa kanila. May mga sitwasyon talaga na hindi sapat ang ALAM natin. May mga tanong na bakit na hindi kayang sagutin ng nalalaman natin.

Kaya nang sabihin ni Hesus ang tungkol sa pagkabuhay, hindi niya sinabi kay Marta, ALAM MO BA ITO? Sa halip, ang tanong niya ay SUMASAMPALATAYA KA BA DITO?

Kapag hindi sapat ang nalalaman natin noon pa lang tayo nagsisimulang sumampalataya. Kaya tatlong beses gagamitin ni Hesus ang salitang SUMAMPALATAYA: Juan 11:25-26: “Ako ang muling pagkabuhay at ang ang buhay. Ang SUMASAMPALATAYA sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. At ang sinumang nabubuhay at SUMASAMPALATAYA sa akin ay hindi mamamatay kailanman. SUMASAMPALATAYA ka ba sa sinabi ko?”

At ang isasagot ni Martha ay “Oo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos, ang hinihintay na darating sa mundo.” Ito ang parang TURNING POINT sa buhay ni Marta. Nang ipahayag niya kung sino si Hesus sa kanya. Take note, nauna ang pagpapahayag ni Marta ng pananampalataya kaysa pagpapabangon ni Hesus kay Lazaro. Iyung iba naniwala pa lang matapos na buhayin niya si Lazaro. Kay Marta, baligtad. Nagpahayag muna siya ng pananampalataya, bago pinabangon si Lazaro. Maraming iba pang pagkakataon na tinatanong muna ni Hesus kung sumasampalataya ba ang tao bago ipinaranas sa kanila ang isang milagro.

Kailangan din ng Diyos ang ating bahagi, ang ating pananampalataya para maiparanas niya sa atin ang kanyang biyaya.

Kung ang transition kay Lazaro ay mula kamatayan tungo sa muling pagbangon, kay Marta ito’y mula sa KAALAMAN tungo sa PANANAMPALATAYA—bilang ibang antas ng kaalaman. Lumuha daw si Maria at napaluha din si Hesus nang makitang umiiyak si Maria. Pero hindi sapat ang luha para magpabangon mula sa patay. Kailangan din ang pananampalataya natin.

Bago binuhay ni Hesus si Lazaro, binuhay muna niya ang loob ng magkapatid, lalo na si Martha. Ito ay kuwento ng conversion ni Marta. Kailangang maranasan ito ng mga taong tulad niya na tipong strong personality, assertive, at confrontational. Yun bang may pagka-manager type, may pagka-demanding dahil sanay sa sitwasyong maayos at kontrolado. Darating at darating ang mga sandaling hindi mo kontrolado, at hindi na sapat ang nalalaman mo, kahit gaano ka pa katalino at maabilidad. Noon pa lang natututo ang tao na sumuko at sumampalataya.

Hindi totoo na ang pananampalataya ay parang bulag na paglundag sa dilim. Ang pananampalataya ay kakaibang antas ng pag-unawa na bunga ng mga karanasang unti-unting magmumulat sa atin sa galaw ng Diyos sa buhay natin. Di ba ganito ang sinasabi ng popular na kantang “I Believe?”

“Every time I hear a newborn baby cry, or touch a leaf or see the sky, then I know why I believe.” It when I believe that I begin to know why. Sa pananampalataya, noon ko pa lang nalalaman talaga kung bakit.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 34,516 total views

 34,516 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 40,740 total views

 40,740 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 49,433 total views

 49,433 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 64,201 total views

 64,201 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 71,321 total views

 71,321 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 818 total views

 818 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,020 total views

 3,020 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,054 total views

 3,054 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,407 total views

 4,407 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,504 total views

 5,504 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 9,726 total views

 9,726 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,450 total views

 5,450 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 6,820 total views

 6,820 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,081 total views

 7,081 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 15,774 total views

 15,774 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,485 total views

 8,485 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,617 total views

 8,617 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 9,604 total views

 9,604 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 9,605 total views

 9,605 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 12,359 total views

 12,359 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top