VeritasPH

The Word, The Truth

 300 total views

5th Sunday of Lent Cycle A

Ez 37:12-14 Rom 8:8-11 Jn 11:1-45

Naglalaban ang puwersa ng buhay at ang puwersa ng kamatayan. Nararanasan natin ito sa ating buhay. Noong panahon ng pandemya, iwas ng iwas tayo sa anumang magdadala ng sakit. Marami sa nagkakasakit ay inaagaw natin sa kamatayan at ginagamot natin. Sa pang araw-araw na buhay nagsisikap tayo na maging malusog at malinis para hindi magkasakit at humaba pa ang buhay natin. Nilalayuan natin ang bisyo sapagkat nagdadala ito ng sakit at ng gulo na magdadala ng kamatayan. Ang kamatayan ay dala ng kasalanan. Nilalayuan natin at pinagsisisihan ang kasalanan upang mapalayo tayo sa kamatayan.

Ito ang magandang balita, na ganoon tayo kamahal ng Diyos na pinadala ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak upang hindi tayo mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. At iyan nga ang ginawa ni Jesus. Pinapalaya niya tayo sa kuko ng kasamaan, sa kuko ng karamdaman, at sa kuko ng kamatayan. Kaya nagpapagaling siya ng maysakit, nagpapalayas siya ng demonyo, nagpapatawad ng kasalanan at binubuhay ang patay. Si Jesus mismo ay napailalim sa kahirapan at kamatayan pero hindi siya natalo ng mga ito. Nabuhay siyang muli! Ang kapangyarihan ni Jesus sa kamatayan ay pinakita niya sa atin sa kanyang pagbuhay kay Lazaro.

Ang tagumpay sa kamatayan ay tagumpay sa kawalang pag-asa. Nawalan na ng pag-asa ang magkapatid na Marta at Maria ngayong patay na ang kanilang kapatid na si Lazaro. Ang kanilang pagbati at pagsumbat kay Jesus noong makita nila siya ay: “Panginoon, kung kayo ay narito, hindi sana mamamatay ang aking kapatid.” Parang pinaparamdam kay Jesus na ngayong patay na siya, wala na tayong magagawa. Iyan din ang sumbat ng mga tao na kasama ni Maria. “Nakapagpadilat ng bulag ang taong ito. Bakit hindi niya nahadlangan ang pagkamatay ni Lazaro.” Wala na siyang magagawa, patay na si Lazaro. Kaya kapag patay na, wala ng pag-asa. Tapos na ang kuwento.

Iyan din ang naging sitwasyon ng mga Israelita noong panahon ni Ezekiel. Bagsak na ang templo nila sa Jerusalem. Nawasak na ang kanilang lunsod. Sila ay mga bihag na sa Babilonia. Wala nang pag-asa na makabalik pa sila muli sa kanilang lupain. Ang turing nila sa kanilang sarili ay mga kalansay na. Patay na, nabubulok na sila sa kanilang libingan. Pero pinasabi ng Diyos kay Ezekiel: “Magpahayag ka. Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay.”

Ganoon nga ang nangyari. Pagkaraan ng pitumpung taon, nakabalik ang mga Israelita sa Judea at pagkaraan pa ng ilang taon, naitayo muli nila ang kanilang lunsod at templo sa Jerusalem. Ganoon din ang ginawa ni Jesus kay Lazaro. Kahit na apat na araw na siya sa loob ng libingan at maaaring nangangamoy na sa kabulukan, pinabuksan ni Jesus ang kanyang libingan at tinawag siya: “Lazaro, lumabas ka!” At lumabas nga siya. Buhay uli si Lazaro! Sa labanan ng buhay at kamatayan, nagwawagi ang buhay.

Pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang bigyan tayo ng buhay. Hindi niya tinanggal ang kamatayan. Niligtas na tayo ni Jesus at namamatay pa rin tayo, pero may bagong buhay sa kabila ng kamatayan. Ang huling salita ay ang buhay at hindi ang kamatayan.

Manalig tayo sa buhay. Kumampi tayo sa buhay. Sa ating panahon ngayon, patuloy pa rin ang labanan ng buhay at ng kamatayan. Ang nakakalungkot ay maraming tao ay nasa panig ng kamatayan. Sumusunod sila sa kultura ng kamatayan. Naniniwala sila na ang kamatayan ay ang solusyon sa mga problema natin. Iyan ang paniniwala ng mga tao na para sa kanila digmaan at ang mga armas ang solusyon. Kaya mayroong digmaan sa Ukraine, kaya mayroong digmaan sa Myanmar, kaya mayroong digmaan sa Central African Republic at sa marami pang parte ng mundo. Kaya nagpaparami ng armas ang China. Nagtatangka silang kunin ang Taiwan at ang West Philippine Sea sa pamamagitan ng dahas, sa pamamagitan ng armas.

Pero huwag na tayong tumingin lang sa ibang bansa sa paglaganap ng kultura ng kamatayan. Dito rin sa atin ay may mga tao na ang solusyon nila sa problema ay kamatayan: nandiyan iyong naniniwala na mawawala na ang problema kung sila ay magbigti – kaya dumadami ang suicide. May mga naniniwala na abortion ang solusyon sa problema, kaya nagpapalaglag, pinapatay ang bata na wala namang kalaban-laban para makaiwas sa problema. Nandiyan iyong nilulunod ang kahirapan sa pamamagitan ng pag-iinom o ng droga, mga solusyon na nakakasira ng buhay. May mga naniniwala na kailangang iligpit ang masasamang tao para huwag nang kumalat ang kasamaan. Kaya pinapatay ang drug addicts, pinapapatay ang pinaghihinalaan na masamang tao o karibal sa posisyon, kaya nandiyan ang political killings, ang red-tagging ng mga naninindigan para sa katarungan. Ang mga ito ay mga iba’t-ibang mukha ng kultura ng kamatayan.

Hindi sila magwawagi, kasi ang kamatayan ay hindi solusyon. Ang solusyon ay buhay. Sinabi ng Diyos: Ayaw ko ang kamatayan ng masasama. Ang kasamaan ay mawawala, hindi sa pagpapatay ng masasamang tao, kundi sa pagpapatawad at pagbabago sa kanila. Ito ang ginawa ni Jesus. Siya na ang tumanggap ng parusa na para sa ating kasamaan. Siya na ang nag-alay ng sarili niya para tayo ay mapatawad, magbago at magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sa pagtutunggali ng buhay at ng kamatayan, kanino tayo panig? Tayo ba ay nagbibigay buhay o nagdadala ng kamatayan? Sa pakikitungo natin sa iba, nagbibigay ba tayo ng sigla sa buhay o kalungkutan at takot? Manindigan tayo sa buhay! Mas makapangyarihan ito kaysa kamatayan!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,055 total views

 8,055 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,040 total views

 16,040 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,576 total views

 23,576 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,562 total views

 39,562 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,606 total views

 47,606 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,663 total views

 1,663 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,791 total views

 7,791 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,920 total views

 5,920 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,203 total views

 8,203 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,109 total views

 11,109 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,048 total views

 12,048 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,042 total views

 12,042 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,760 total views

 15,760 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,606 total views

 17,606 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,603 total views

 17,603 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,112 total views

 22,112 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,428 total views

 27,428 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,586 total views

 29,586 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,744 total views

 31,744 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,091 total views

 32,091 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top