Allowances ng mga Pari sa Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe, inilaan sa COVID-19 victims

SHARE THE TRUTH

 592 total views

April 28, 2020, 10:33AM

Nagkaisa ang mga lingkod ng Simbahan sa Apostolic Vicariate of Bontoc Lagawe sa Ifugao Province na ilaan ang kanilang allowance para sa mga higit na nangangailangan.

Ito ang tugon ng mga pari sa pangunguna ni Bishop Valentin Dimoc sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng mamamayan dulot ng pandemic corona virus.

“We, priests of the Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe who are assigned in Ifugao Province, decided to donate our three months allowance from April to June. We are not receiving any salary when we became priests but only allowance from our Vicariate,” pahayag ni Bishop Dimoc.

Isinasakripisyo ng mga pastol ng simbahan ang kanilang allowance hanggang sa katapusan ng Hunyo upang matulungan ang mga dukhang lubos na apektado ng pandemic CoVid 19.

Ayon kay Bishop Dimoc, bagama’t inilaan para sa relief operations ang kanilang allowance, tiniyak ng obispo na hindi magugutom ang mga pari sapagkat mapagbigay ang mga mamamayan at nagtulong – tulong habang binigyang diin ang pagkakaisa upang labanan ang krisis.

“In these difficult times, we are in solidarity with people who are in dire need,” dagdag ng obispo.
Umabot sa P270, 000 ang kabuuang donasyon ng Apostolic Vicariate na ipinamamahagi sa 12 Mission Parishes sa Ifugao Province habang bibigyang prayoridad ang mga ‘poorest of the poor’ sa tulong ng mga Basic Ecclesial Communites, sa pamamagitan ng LGU at MSWD.

Sinabi ng Obispo na ito ay pamamaraan na ipakita at ipadama sa kapwa ang tunay na diwa ng pag-ibig ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pakikiisa sa hirap na dinaranas ng mamamayan dulot ng pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,494 total views

 21,494 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,907 total views

 38,907 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,551 total views

 53,551 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,396 total views

 67,396 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,482 total views

 80,482 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

Sa digmaan, lahat ay talunan

 1,484 total views

 1,484 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top