Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, sarado sa mga misa ngunit bukas sa pagtulong sa mga ngangailangan

SHARE THE TRUTH

 372 total views

April 27, 2020, 2:09PM

Inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos na nanatiling bukas ang simbahan sa mga taong nangangailangan ng kalinga lalo na sa panahon ng krisis.

Ayon sa Obispo, magkatuwang ang simbahan at Sangguniang Panlalawigan ng Bataan para tugunan ang pangangailangan ng mga frontliners na kumakalinga sa mga may karamdaman.

Binigyang diin ni Bishop Santos na bagamat sarado ang mga simbahan dulot ng ipinatupad na enhanced community quarantine bunsod ng pandemic corona virus, nagbukas naman ang mga institusyon nito para lingapin ang mga walang masisilungan at ilang medical personnel.

“It is only the doors of the churches which are closed but our hands, our hearts are always open to them. We, the Diocese and the Provincial Government, are both right and left hands to our people. With our joint hands we carry, we care our people on their way to safety and sound health of body and spirit,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Santos na binuksan ang Virgen Milagrosa del Rosario ang College Seminary ng Diyosesis ng Balanga para sa 26 na manggagawa ng Bataan General Hospital habang umiiral ang ECQ sa buong Luzon.

Sinabi ng Obispo na mahalagang magtulungan ang lahat ng sektor ng lipunan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at sa kapakinabangan ng nasasakupan.

Unang nagbukas ang mga eskwelahan at iba pang institusyon ng simbahan sa Arkidiyosesis ng Maynila at ang Association of Major Religious Superior in the Philippines para sa mga medical personnel kung saan mahigit sa isanlibo ang kinakanlong.

Bukod sa pagpapatuloy, nililingap din ni Bishop Santos ang pangangailangang espiritwal ng mga frontliners sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga Banal na Misa.

“Aside from free board and lodging the Diocese provides spiritual nourishments. The Bishop celebrates Holy Masses on Sunday and Thursday at 11am at the seminary chapel,” ani ni Bishop Santos.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 75,529 total views

 75,529 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 83,304 total views

 83,304 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 91,484 total views

 91,484 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 107,058 total views

 107,058 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 111,001 total views

 111,001 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top