Healing priest, nagbabala sa kumakalat na text scam sa pangangalap ng donasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total views

April 27, 2020, 1:28PM

Nagbabala si Healing Priest Reverend Father Joey Faller ng Kamay ni Hesus sa Quezon province kaugnay sa isang text message na kumakalat na ginagamit ang kanyang pangalan sa pangangalap ng donasyon.

Ayon sa pari, ito ay malinaw na panloloko sa kapwa kaya’t mahigpit itong nagbabala sa mamamayan na huwag basta maniwala sa mga mensaheng natatanggap na walang beripikasyon mula sa taong sangkot dito.

“Nais ko lang pong ipaalam sa inyong lahat na may gumagamit po sa pangalan ng inyong lingkod Fr. Joseph ‘Joey’ Faller para po mag-solicit ng pera, fundraising daw po sa umano’y maysakit na tinutulungan ko; ito po ay isang malaking scam o panloloko at fake news po yang kumakalat na text,” pahayag ni Fr. Faller sa Radio Veritas.

Batay sa kumakalat na mensahe humihingi ng tulong ang isang indibidwal gamit ang pangalan ni Fr. Faller para tulungan ang batang kasalukuyang nagpapagamot sa ospital.

Nilinaw ni Fr. Faller na wala itong kinalaman sa naturang mensahe at hindi ito nangangalap ng pondo para sa maysakit.

“Wala po akong kinalaman sa anumang panghihingi ng pera para sa maysakit; huwag po tayong paloko sa masasamang tao,” saad ni Fr. Faller.

Binigyang diin ni Fr. Faller na tungkulin lamang nito ang ipanalangin sa Diyos ang kagalingan ng mga may karamdaman at hindi ito lumilikom ng pondo para sa pagpapaospital.

Unang nagbabala ang simbahang katolika kaugnay sa paggamit ng mga manloloko sa pangalan ng simbahan at ng mga lingkod nito para makapanloko at manlamang sa kapwa.

Mariing kinundena ng simbahan ang mga ganitong uri ng gawain lalo’t ito ay nakasisira sa imahe ng indibidwal o ng isang institusyon.

Dahil dito pinag-iingat ni Fr. Faller ang mamamayan kaugnay sa panloloko gamit ang cellphone o anumang uri ng panghihingi ng pera habang nanawagan ito sa lahat na ugaliing beripikahin ang bawat impormasyong natatanggap upang makaiwas sa panloloko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 164,015 total views

 164,015 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 194,238 total views

 194,238 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 220,884 total views

 220,884 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 315,857 total views

 315,857 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 326,254 total views

 326,254 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top