Caritas Manila, tiniyak ang tulong sa mga hindi pa natutulungang apektado ng COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

 237 total views

April 27, 2020, 1:19PM

Tiniyak ng Caritas Manila ang social arm ng Archdiocese of Manila ang patuloy na pagtulong sa mga nangangailangang pamilya na apektado ng muling pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual, dahil sa muling pagpapalawig ng dalawang linggo sa ECQ hanggang sa ika-15 ng Mayo ay patuloy na kakailanganin ng mamamayan ang ayuda.

Ibinahagi rin ng Pari ang pananalangin ng Simbahan upang hindi magsawa ang mga may mabubuting kalooban na magpaabot ng tulong in-cash or in-kind para sa pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.

“Siyempre kailangan nating tumulong uli kasi dalawang linggo pang walang trabaho ang mga tao at tiyak magugutom na naman ang mga pamilya kaya’t mahalaga na tayo sa Simbahan ay magdasal na marami pang magmagandang loob na magdonate in-cash and in-kind para mabigyan pa natin sila ng mga pagkain lalo na dito sa Baseco na kung saan napakaraming mahirap…”pahayag ni Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Muli namang nagpaabot ng pasasalamat ang Pari sa lahat ng mga donors at iba pang katuwang ng Caritas Manila sa pagkakaloob ng tulong para sa mga nangangailangang pamilya na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19.

Ipinagdarasal ni Fr. Pascual na mas marami pa ang matulungan ng Simbahan mula sa mga walang sawang magbahagi ng kanilang mga biyaya mula sa Panginoon.

“Tayo nga ay nagpapasalamat sa ating mga donors na sila ay nagmagandang loob na tumulong sa atin at ipagdadasal natin sila na huwag silang magkasakit at lalo pa silang makatulong sa mas marami pang mahihirap na apektadong apektado sa quarantine na ito…”dagdag pa ni Fr. Pascual.

Samantala, pinayuhan naman ng Pari ang mga hindi pa nakatatanggap ng ayuda mula sa Simbahan at pamahalaan na huwag mawalan ng pag-asa sa pagdating ng tulong sa lalong madaling panahon.

“Sa mga hindi pa natutulungan ng Simbahan at gobyerno huwag lang tayong mawalan ng pag-asa, magdasal tayo at darating ang tulong sa lalong madaling panahon…”pahayag ni Fr. Pascual.

Batay sa pinakahuling tala ng Caritas Manila, umaabot na sa 1,361,527 pamilya ang natulungan ng Oplan Damayan ng Caritas Manila na katumbas ng 6,807,635 indibidwal.

Mula ng magsimula ang implementasyon ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Abril, inilunsad ng Caritas Manila ang Oplan Damayan kung saan nakipagtulungan ang grupo ng mga negosyante na bahagi ng Philippine Disaster Resilience Foundation sa pamamagitan ng inilunsad na Project Ugnayan.

Sa inisyal na datos umaabot na sa 99.2-porsyento ng kabuuang naipamahaging gift check sa mga apektadong pamilya ng Enhanced Community Quarantine katuwang ang mga parokya na tumutukoy sa mga benepisyaryong pamilya na karapat-dapat na tumanggap ng tulong mula sa Project Ugnayan.

Naunang nagpahayag ng pasasalamat si Caritas Internationalis President, Prefect of the Congregation for the Evangelization of People His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng mga nakipag-ugnayan at nakipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagpaabot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan mula sa krisis na dulot ng COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 19,582 total views

 19,582 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 33,417 total views

 33,417 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 68,642 total views

 68,642 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 114,517 total views

 114,517 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 115,553 total views

 115,553 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Prayer rally at protest action, ilulunsad ng Koalisyon laban sa Cha-Cha

 2,006 total views

 2,006 total views Nanawagan ng pakikiisa ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa nakatakdang Prayer Rally and Protest Action Against Charter Change na kauna-unahang pagkilos ng bagong lunsad na Koalisyon Laban sa ChaCha: Simbahan at Komunidad Laban Sa ChaCha (SiKLab). Ayon kay Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Sen. Hontiveros, nakikikiisa sa Circles of Discernment ng simbahan kaugnay sa kahalagahan ng Saligang Batas

 8,856 total views

 8,856 total views Nakikiisa ang mambabatas sa Senado sa plano ng Simbahang Katolika na magsagawa ng mga pagtitipon, talakayan at circles of discernment upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa mahalagang pakikibahagi ng Simbahan sa inilunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA!,-upang higit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pamilyang Pilipino, inaanyayahan ng CBCP na makiisa sa Walk for Life 2024

 6,570 total views

 6,570 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Family and Life ang bawat pamilyang Filipino na makibahagi sa paninindigan sa kasagraduhan ng buhay sa pamamagitan ng pakikiisa sa nakatakdang Walk for Life 2024. Ito ang bahagi ng paanyaya ni Parañaque Bishop Jesse Mercado -chairman ng kumisyon kaugnay sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Manindigan para sa buhay, hamon ng Obispo sa mananampalataya

 6,796 total views

 6,796 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang matatag na paninindigan at pagbibigay halaga sa ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang. Ito ang bahagi ng mensahe ni CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Koalisyon laban sa Cha-cha, inilunsad

 12,558 total views

 12,558 total views Naniniwala ang isang mambabatas na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahan para sa paggabay sa bawat isa patungo sa tamang landas sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pagsisilbing moral at ethical compass ng Simbahan lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan tulad ng kontrobersyal na usapin ng Charter

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

“SIMBAHAN AT KOMUNIDAD NAGKAKAISA LABAN SA CHA-CHA!”

 12,594 total views

 12,594 total views Ito ang sigaw sa opisyal na paglulunsad ng kuwalisyon na mangunguna sa paglaban sa patuloy na isinusulong na Charter Change sa bansa. Tinagurian bilang KOALISYON LABAN SA CHACHA! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang dating CBCP President, naihatid na huling sa hantungan

 11,802 total views

 11,802 total views Tuluyan ng naihatid sa kanyang huling hantungan si Tandag Bishop-emeritus Nereo Odchimar na namayapa sa edad na 84-taong gulang noong February 1, 2024. Pinangunahan ni Tandag Bishop Raul Dael ang Funeral Mass para sa dating punong pastol ng diyosesis kung saan kinilala ng Obispo ang dedikasyon at naging paglilingkod ni Bishop Odchimar sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Rector ng Pontificio Collegio Filippino, humiling ng panalangin para sa formation of Priest sa Rome

 11,787 total views

 11,787 total views Umapela si Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Gaston sa bawat mananampalataya na ipanalangin ang paghuhubog at pagpapanibago ng mga pari upang patuloy na makapaglingkod sa kawan ng Panginoon. Ito ang panawagan ng Pari kaugnay sa pagtatapos ng limang araw na International Conference for the Ongoing Formation of Priests sa Roma na dinaluhan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pro-Life Philippines President, keynote speaker ng Walk for Life 2024

 14,124 total views

 14,124 total views Inihayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagsisilbing pangunahing tagapagsalita ng pangulo ng Pro-Life Philippines sa nakatakdang Walk for Life 2024. Ito ang ibinahagi ni LAIKO Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siya ring chairman ng Walk for Life 2024 sa nakatakdang gawain na may tema ngayong taon na “Together, We

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pamahalaan, hinamon ng Caritas Philippines na makipagtulungan sa ICC probe

 22,356 total views

 22,356 total views Nanawagan sa pamahalaan ang Caritas Philippines na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga human rights violation sa bansa partikular na ang naging marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Advincula, pangungunahan ang banal na misa sa Walk for Life 2024

 15,308 total views

 15,308 total views Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024. Ito ang ibinahagi ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siyang chairman ng Walk for Life 2024 na muling isasagawa sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

St.William the Hermit cathedral parish, kinilala ng NYC

 17,619 total views

 17,619 total views Ginawaran ng pagkilala ng National Youth Commission (NYC) ang Parish Youth Ministry ng Saint William the Hermit Cathedral Parish ng Diocese of San Fernando de La Union bilang Outstanding YORP Organization. Partikular na kinilala ng NYC bilang katangi-tanging Youth Organization Registration Program (YORP) ang programa ng youth ministry ng parokya na “More Than

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Circle of discernments, isasagawa ng CBCP sa Cha-Cha

 28,260 total views

 28,260 total views Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa usapin ng pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas. Inihayag ni CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa naganap na pulong balitaan ng CBCP kaugnay sa posisyon at mensahe ng Kalipunan ng mga Obispo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Prelatura ng Batanes, nanindigan laban sa People Initiative

 29,557 total views

 29,557 total views Mariing nanindigan ang Obispo at mga lingkod ng Simbahan ng Prelatura ng Batanes laban sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng People’s Initiative. Sa isinapublikong pahayag ng prelatura na nilagdaan ni Batanes Bishop Danilo Ulep at mga pari ng Batanes ay kinumpirma ang pangangalap ng lagda sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Talakayan sa Cha-cha, isusulong ng CBCP

 29,469 total views

 29,469 total views Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan at pagpupulong upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ang bahagi ng pahayag ng CBCP tungkol sa People’s Initiative on Charter Change na may

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top