Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Kapanalig, pagdating sa edukasyon, ang karaniwang nagiging usapan sa ating lipunan ay ang transisyon sa online learning noong panahon ng pandemya, at ang transisyon sa pagbabalik sa face-to-face classes nang humupa naman ang pandemya. Medyo nakalimutan natin, kapanalig, ang ibang mag-aaral na bago pa man dumating ang COVID-19, ay hindi na nakakapasok sa pormal na paaralan – silang mga mag-aaral na nag-a-avail ng alternative education.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang Alternative Learning System (ALS) ay isang learning system para sa mga out-of-school youth (OSY) at adult learners. Sa ALS, ang mga learners na ito ay tinuturuan ng basic at functional literacy skills at tinutulungan silang makapagtapos ng basic education. Binibigyan sila ng second chance para makapagtapos.

Bago pa man dumating ang pandemya, modular na ang mode of education sa mga community learning centers ng ALS. Kadalasan, pupunta ang mga mag-aaral sa mga centers na ito minsan o mahigit pa sa isang linggo para makipagkita sa guro o facilitator. Ang learning plan sa ALS ay flexible. Kadalasan, depende sa pangangailangan ng mag-aaral. Kapag natapos ng estudyante ang programa, kukuha siya ng ALS Accreditation and Equivalency test upang maka-usad sa next level.

Ang ALS program kapanalig, ay napaka-halaga. Ayon sa UNICEF, mula 2016 hanggang 2020, mga 4.2 milyong OSY at adults ang nakapag-patuloy ng pag-aaral dahil sa ALS. Ang laking benepisyo nito kapanalig, kaya maganda sana na pagtibayin pa ng pamahalaan ang ALS sa ating bayan. Ang dami na ng natulungan nito. Ayon sa World Bank, tinatayang 130,000 learners ang nakakatapos ng high school dito kada taon. Ang mga nakapagtapos ay kumikita ng mas malaki ng P7,400 kaysa sa mga high school dropouts. Mas marami rin sa mga pumasa ang nagkakaroon ng full-time employment at 60% sa kanila ay nagpapatuloy pa sa pag-aaral at sa training.

Kaya sana, ngayong bumabalik na ang lahat ng mag-aaral sa pormal na edukasyon, huwag din natin kaligtaan ang ang mag-aaral sa alternative learning system. Habang ating pinalalakas ang formal education, patatagin din natin ang ALS. Ang pagsasagawa nito ay kongkretong aksyon tungo sa panlipunang katarungan. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa  paglulunsad ng educational alliance noong 2019–  First, we must have the courage to place the human person at the centre. To do so, we must agree to promote formal and informal educational processes that cannot ignore the fact that the whole world is deeply interconnected, and that we need to find other ways, based on a sound anthropology, of envisioning economics, politics, growth and progress.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 244,246 total reads

 244,246 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 275,975 total reads

 275,975 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 377,801 total reads

 377,801 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 418,362 total reads

 418,362 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 428,728 total reads

 428,728 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 244,247 total reads

 244,247 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 275,976 total reads

 275,976 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 377,802 total reads

 377,802 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 418,363 total reads

 418,363 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top