Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang Ating Luntiang Mundo

SHARE THE TRUTH

 487 total views

Isa sa mga nakakapanglumong pangyayari sa ating henerasyon ay ang unti-unting pagkasira ng ating mundo.
Tumingin kayo sa inyong paligid; langhapin ang simoy ng hangin; tingnan mo ang mga puno sa iyong paligid. Ano ba ang estado ng iyong kapaligiran ngayon? Ano ba ang estado ng kalikasan natin ngayon?

Maraming mga siyentipiko ang nagsasabi na ang mundo natin ngayon ay unti unti ng namamatay.
Tingnan natin ang karagatan. Hindi ba’t umabot na sa kaibuturan ng dagat ang ating mga kalat? Ayon nga sa Ecowatch, isang environmental news site, ang nalikha nating mga plastic nitong nakaraang sampung taon ay higit pa sa nalikha noong nakaraang siglo. Ang masaklap, 50% ng plastic na nalilikha ay minsan lang natin gamitin. Pagkatapos, tinatapon na natin ito. Mga limang daan bilyong plastic bags din ang nalilikha sa buong mundo kada taon. Mga 500 hanggang isang libong taon bago magsimulang mabulok o madegrade ang mga ito. Binabara pa ng plastic ang ating mga daluyang tubig.

Ayon sa isang pag-aaral mula sa Commonwealth Scientific and Industrial Research Organization ng Australia, halos lahat ng seabird ay nakakain na ng plastic ngayon. Delikado ito sa kanila kapanalig. Darating ang araw, maari silang maging extinct.

Ang ating luntiang mundo, kapanalig, ay lalong nagiging makulay dahil sa dami ng basurang ating tinatapon dito. Mga basura, gaya ng plastic, na matitingkad ang kulay, ngunit nakakamatay.
Isa sa mga ating dapat ipagdasal ngayon, lalo’t panahon ng undas, ay ang ating mundo. Nakaka-alarma kapanalig, ang estado ng ating mundo ngayon. Marami ng mga species ang nangamatay sa ating mga karagatan at kagubatan. Ang ating hangin, na dati’y sariwa, ngayon ay malansa, mausok, madumi. Kung hindi natin maagapan ito, baka ang tao na, tayo na, ang maging extinct.

Ang Laudato Si ni Pope Francis ay may paalala sa ating lahat. Ayon dito “Ang tao at ang kalikasan ay sabay nabubulok. Hindi natin sapat na malalabanan ang pagkasira ng ating mundo hanggat hindi natin haharapin ang kasiraan ng ating lipunan. Habang patuloy ang ating unti-unting pagbubukbok, may mga buhay na ang maagang nawawala: Ang buhay ng mga maralita (The human environment and the natural environment deteriorate together; we cannot adequately combat environmental degradation unless we attend to causes related to human and social degradation. In fact, the deterioration of the environment and of society affects the most vulnerable people on the planet… The impact of present imbalances is also seen in the premature death of many of the poor).

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 6,181 total views

 6,181 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 56,744 total views

 56,744 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 5,591 total views

 5,591 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 61,925 total views

 61,925 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 42,120 total views

 42,120 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Veritas Editorial
Veritas NewMedia

Kapag pinupulitika ang pampublikong kalusugan

 469 total views

 469 total views Mga Kapanalig, kinumpirma ng Department of Health o DOH na may outbreak ng measles o tigdas sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at Western at Central Visayas. Kung hindi maaagapan ang pagkalat ng virus sa isang taong may tigdas, maaaring magdulot iyon ng mga kumplikasyong tulad ng pneumonia at pagkabulag o maaaring maging

Read More »
Veritas Editorial
Veritas NewMedia

Sinong dapat manguna sa pagbangon ng Marawi?

 491 total views

 491 total views Mga Kapanalig, inalala natin noong nakaraang linggo ang unang taon ng pagsisimula ng madugong Marawi siege, ang unang araw ng pagsakop ng Maute-ISIS group sa makasaysayang lungsod na nagbunsod ng paglulunsad ng pamahalaan ng marahas na pag-atake roon at pagdedeklara ng batas militar sa buong Mindanao. Ngunit para kay Pangulo Duterte, mas nais

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top