Ang Construction Sector ng Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,250 total reads

Kapanalig, ang formal construction sector ng ating bayan ay nakakaranas at makakaranas pa ng paglago sa hinaharap. Magandang balita ito dahil nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho para sa karaniwang Pilipino.
Ayon sa report ng Timetric’s Construction Intelligence, isang ahensyang base sa London, ang mga construction activities sa bansa ay lalago pa. Maaring umabot sa $47 billion ang growth rate nito sa 2020 mula sa $30.2 billion noong 2015.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mga 1,464 establishments sa pormal na sektor ng ekonomiya ang kaugnay sa construction activities. 46% ng mga establisemento na ito ay gumagawa ng mga kalye at riles, habang 14.4% ang kaugnay sa building construction habang 12.6% naman ang gumagawa ng mga residential buldings. Tinatayang nasa P414 billion ang kotribusyon ng sektor sa ating ekonomiya.
Ang paglago ng sektor ay nawa’y maging katumbas din ng pagtaas kalidad ng buhay at kasiguruhan sa trabaho ng mga construction workers. Ang pamamayagpag ng sektor ay dahil din naman sa kontribusyon ng mga ordinaryong manggagawa.
Sa ngayon, hindi naman lahat ng manggagawa sa konstruksyon ay nakakatanggap ng minimum wage. Yung iba P300 o mas mababa pa, depende sa karanasan. Maliban pa dito, hindi lahat may social protection gaya ng SSS at iba pang health benefits. Karamihan din sa mga manggagawa ay nasa per-project basis. Pag tapos na ang isang project, wala na ulit trabaho. Ang kanilang kaligtasan ay isyu din sa ilang mga construction sites. Minsan, dahil sa pagmamadali ng pag-gawa, nakakalimutan na ang mga safety precautions.
Kapanalig, ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay mayaman sa pangaral ukol sa karapatan ng mga manggagawa. Una tungkol sa sweldo, kung saan mariin ang paalala ng Rerum Novarum: To defraud anyone of the wage due him/ her is a great crime that calls down avenging wrath from Heaven: Behold, the wages of the laborers . . . which have been kept back by you unjustly, cry out: and their cry has entered into the ears of the Lord of Hosts.
Pina-aalahan din tayo ng Panlipunang Turo ng Simbahan ukol sa karapatan ng manggagawa. Ayon pa rin sa Rerum Novarum: Ang katarungan ay tinatawag tayo, lalo na ang administrasyon, na bantayan ang interes ng manggagawa. Ito ay upang masiguro na sila, na syang malaki ang kontribusyon sa lipunan, ay makabahagi sa benepisyo ng industriya. Kailangan sila ay magkabahay, may damit, at may angking kalusugan upang maingat ang kanilang buhay sa karalitaan at mamuhay ng may dangal.
Maalala nawa natin ang mga pahayag na ito, at udyukin tayo na magbigay pugay at suporta sa mga simpleng manggagawa. Nawa’y makita natin si Kristo, na isa ring karpintero, sa kanilang mga mata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 60,922 total reads

 60,922 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 96,972 total reads

 96,972 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 132,272 total reads

 132,272 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 358,542 total reads

 358,542 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 248,563 total reads

 248,563 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 60,923 total reads

 60,923 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 96,973 total reads

 96,973 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 132,273 total reads

 132,273 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 358,543 total reads

 358,543 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top