Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Foreign funds pull cash out’, walang kinalaman sa EJK issue

SHARE THE TRUTH

 315 total views

Hindi dapat mabahala ang publiko sa ulat na nag-pull-out ng kanilang investments sa Pilipinas ang mga foreign fund managers na naging sanhi ng pagtamlay ng stock na hinihinalang dahilan ay ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga kung saan maraming kaso ng extrajudicial killings.

Ayon kay Astro del Castillo, stock market at securities analyst, nakakaalarma ang artikulo kaya’t ipinaliwanag nito na ang mga nagaganap sa ibang bansa gaya sa Amerika na pagtaas ng kanilang interest rate ang dahilan.

“Alarming ang article, i-clarify ko lang, karamihan ng merkado medyo matamlay dahil sa kaganapan abroad dahil sa posibleng pagtaas ng interest rate sa Amerika, gumaganda nga ang ekonomiya nila pero ang mga fund managers kailangang mag-adjust, pag umaakyat ang interest rate sa Amerika, magsi-shift ang pondo from the stock market to the bond market slowly, kung makikita ninyo di lang bansa natin ang medyo tumamlay pati ibang merkado,” ayon kay del Castillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa halip, iginiit pa ni del Castillo na sa kasalukuyan mas tumaas pa ang kumpiyansa ng mga foreign investors gaya sa usapin ng turismo na dumagsa pa ngayon.

“Sa tingin ko halos wala naman, mas mataas ang kumpiyansa ngayon kung titingnan ninyo ang mga hotels halos fully-booked dahil sa mga bisita na may interest pa rin sa bansa, makikita natin yan after several months, for the meantime during this period lalo na katatapos lang ng August o yung tinatawag na ghost month, expected na mahina talaga ang merkado hopefully itong September looking forward medyo things will be better,” pahayag pa ni del Castillo.

Naniniwala rin si Del Castillo na walang kinalaman ang usapin ng peace and order sa bansa lalo na ang sinasabing extrajudicial killings sa pag-pull-out ng ibang stocks na bagama’t ang mga ito ay mga portfolio investments lang o yung mga panandaliang kapital.

“Yes yes, I’m pretty confident kasi every time we mingle with other fund managers-investors hindi naman nadi-discuss o nare-relate ang reaction ng merkado sa nangyayaring Extrajudicial Killings or war on drugs, however ibang usapin yun, ang tingin ng investors the government is putting the house in order and kailangan ng mga tao na isumbong ang mga nagco-commit ng mali sa isang programang gusto talagang ibalik ang peace and order sa ating bansa, and mga hot money lang naman ito.Mga portfolio investment lang ito, mga panandilaang capital, pero yung nakikita nating fundamental at mga interest ng investors andito pa rin, kung makikita ninyo pati piso humina, nag aadjust talaga ng merkado, yung langis the past few weeks tuloy-tuloy ang pag akyat niya so talagang nagkakaroon ng adjustments ang mga foreign fund managers,” ayon pa sa stock analyst.

Napaulat nitong nakaraang linggo ang pag pull-out ng pera sa Pilipinas ng mga foreign fund managers na naging sanhi ng pagbagsak ng stock na sinasabing karagdagang investments ito sa bansa na $276 billion equity market sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 23,609 total views

 23,609 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 47,394 total views

 47,394 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 59,629 total views

 59,629 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 245,269 total views

 245,269 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 275,138 total views

 275,138 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 15,700 total views

 15,700 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 133,437 total views

 133,437 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 239,704 total views

 239,704 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 265,518 total views

 265,518 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 271,287 total views

 271,287 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top