Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Anak ng mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia, bibigyan ng scholarship ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 348 total views

Magbibigay ng scholarship program ang CBCP – Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People sa mga anak ng mahigit 100 Pilipino na nawalan ng trabaho sa ilalim ng Mohammad Al Mojil Group o MMG sa Al Khobar, Saudi Arabia na nakauwi na sa Pilipinas.

Ito ang ipinangako ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, na pangangalagaan at susubaybayan ng Simbahan ang pag – aaral ng anak ng mga Overseas Filipino Workers na nagsipag-uwi sa bansa mula sa Saudi Arabia.

Inihayag ni Bishop Santos na magbibigay din ng scholarship program ang mga Diocesan Catholic Schools sa anak ng mga OFWs na matustusan ang mga ito hanggang kolehiyo at matulungan rin sa hinaharap ang kanilang pamilya.

“Maganda na pag – uwi ng ating mga OFWs binigyan sila ng monetary compensation tsaka incentive, tsaka initial para sa pagta – trabaho. Ang atin namang Simbahan hindi tayo nakakapag – bigay ng pera pero nabibigy naman natin ay kaalaman sa pagta – trabaho at ang pera nating ibibigay ay hindi mismo surplus kundi tulong na kung saan na ang kanilang mga anak lalo na yung mga nangangailangan ay mabigyan ng scholarship lalo na sa ating mga Catholic Schools sa ating mga Diocesan Catholic Schools,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nauna na ring tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng tig – P5,000 ang 128 OFWs na umuwi sa bansa galing Saudi at magpapatuloy pa rin aniya ang repatriation ng halos 11,000 Pinoy na nawalan ng trabaho sa naturang bansa.

Nagpapatuloy naman ang pagbibigay ng spiritual formation and counseling ng Simbahan sa pamilya ng mga OFWs na nakararanas ng problema hanggang sa tuluyan silang makabangon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,876 total views

 2,876 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,327 total views

 36,327 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 56,944 total views

 56,944 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,623 total views

 68,623 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,456 total views

 89,456 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,598 total views

 37,598 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,647 total views

 36,647 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,777 total views

 36,777 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,756 total views

 36,756 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top