Mundo Ay Paunlarin at Alagaan

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Inaanyayahan ang sambayanang Filipino na maging mabuting tagapangalaga at tagapamahala ng kalikasan sa pagsisimula ng panahon ng paglikha o Season of Creation kahapon a-uno ng Setyembre 2016.

Ang selebrasyon ay pormal na binuksan sa pamamagitan ng isang banal na misa sa pangunguna ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. Sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Diocese of Cubao.

Ang pagdiriwang ng “season of creation” ay pinangunahan ng Radio Veritas, Global Catholic Climate Movement kaisa ang Ecological Justice Interfaith Movement, Franciscan Missionaries, CBCP NASSA/Caritas Philippines at Archdiocese of Manila Ecology Ministry and Disaster Response.

Sa banal na misa binigyang diin ni Bishop Bacani ang malaking pagmamahal ng Panginoon sa tao sapagkat hindi lamang mga rosas at maliit na hardin ang ipinagkaloob nito kundi ang buong sanlibutan upang maging ating tahanan na nagbibigay ng bawat pangangailangan ng tao.

“Magsaya tayo sapagkat alam nating minamahal tayo ng Diyos, hindi lang isang bungkos ng rosas ang ibinigay nya sa atin, binigyan nya tayo ng Fire, Water, Wind, Earth, binigyan nya tayo ng buong mundo. Hindi lang isang hardin, kundi mga bukirin, mga lupain, mga bundok, mga dagat. Alam ba ninyo kung bakit ibinigay sa atin? Sapagkat mahal tayo ng Diyos,” ang bahagi ng homilya ni Bp. Bacani, sa misa ng Season of Creation.

Sa huli, hinimok ng Obispo ang bawat isa na huwag lamang puro pananalangin, bagkus ay maging instrumento ang bawat tao sa pagpapaunlad at pangangalaga ng mundo.

Ibinahagi pa ni Bp. Bacani na palaging tandaan ang kahulugan ng MAPA.

“Pagdating sa mundo tandaan ninyo, MAPA… Mundo Ay Paunlarin, Alagaan… Manalangin tayo, at sabi nasa [nga], Diyos ang awa nasa tao ang gawa, Mundo Ay Paunlarin [at] Alagaan sa tulong ng Panginoon.”

Ang Season of Creation ay taunang ipinagdiriwang simula September 1 hanggang October 4.

Sa panahong ito tinatawagan ang 2.2 bilyong mga Kristiyano na manalangin at magbalik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga kongkretong paraan na mangangalaga sa kalikasan.

Ngayong taon ang ika apat na pagdiriwang sa Season of Creation kasabay nito ang ikalawang taon ng World day of Prayer for Care of Creation o pandaigdigang araw ng Pananalangin para sa Pangangalaga sa sanilikha.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 510 total views

 510 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,330 total views

 15,330 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,850 total views

 32,850 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,423 total views

 86,423 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,660 total views

 103,660 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,604 total views

 22,604 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 153,163 total views

 153,163 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 97,009 total views

 97,009 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top