Canonization ni Mother Teresa, pasasalamat ng Simbahan sa kanyang integral spirituality

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total views

Isang inspirasyon sa mga Katoliko ang “integral spirituality” ni Mother Teresa lalo na sa paghahayag ng awa at habag sa kapwa sa makabagong panahon.

Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, malaking hamon sa lahat ang pagkakaroon ng integral spirituality para sa isang integral evangelization na kailangan ng ating panahon.

Inihayag ng Obispo na kailangan sa makabagong ebanghelisasyon ay magawa natin ang prophetic priestly at shepherding mission na ginawa ni Mother Teresa noong siya ay nabubuhay pa.

Sinabi ni Bishop Cabantan na napatunayan ni Mother Teresa na ang kanyang nakilalang Hesus sa Eukaristiya ay kaparehong Hesus na nakikita niya sa kanyang kapwang pinagsilbihan, minahal at kinalinga.

“What I cannot forget is her spirituality of five fingers. “You did it to me” taken from the gospel of St. Matthew on the works of mercy. This challenges us to an integral spirituality as we respond to the call for integral evangelization. This means fulfilling our prophetic, priestly and shepherding call to mission. For her, the Jesus she encountered in the Eucharist is the same Jesus she encountered in the people she serves. She is our inspiration in our times today,”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.

Itinuturing naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos na malaking inspirasyon para sa mga mananampalatayang Katoliko ang pagiging santo ni Mother Teresa upang mahikayat ang bawat tao na ipagpatuloy ang kanyang sinimulang pagmimisyon dito sa lupa.

Ayon kay Bishop Santos, ito ay isang panawagan sa bawat isa na tularan si Mother Teresa na inialay ang buhay sa paglilingkod sa kapwa lalo na sa mga kapuspalad.

“Mother Teresa is an inspiration and encouragement for us, what she did and lived, we can do and we must continue. What St. Mother Teresa reached: Heaven and being a saint, we can also achieve. And that is like her let us live our life for God, and share our life at service of our brothers and sisters especially the least and lost in the society,” pahayag ni Bishop Santos.

Inihayag naman ni Kidapawan Bishop elect Jose Collin Bagaforo na ito ay patunay ng pagkilala ng Simbahan sa mga ginawa ni Mother Teresa at isang paghahayag ng pag-ibig ng Diyos.

Iginiit ng Obispo na ito ay patunay na mahabangin ang Diyos dahil muli siyang nagbukas ng panibagong daan upang ang mga tao ay magkaroon ng pag-asa at maligtas sa pamamagitan ng kabanalan ni Mother Teresa.

“ First, the recognition that she truly exemplifies the gospel values of simplicity, humility, compassion, & love esp to those marginalized & abandoned.Second, we have a new intercessor to God! That God indeed loves us and He is full of mercy.He has opened a new way for us to Him; her name is St. Teresa of Calcutta! In life, she was a champion for the sacredness of Life! Her life & works are reminders for us that we are all created in God’s image & likeness. Thus, whoever & whatever we have become, dignity & respect belong to everyone,” mensahe ni Bishop Bagaforo.

Si Mother Teresa ay ipinanganak sa Macedonia noong 1910, naging founder ng Missionaries of Charity at ibinuhos ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa mga maysakit at mga mahihirap.

Itinatag ni Mother Teresa ang Centers for Blind para sa matatandang may kapansanan at noong 1979 ginawaran siya ng “Nobel Peace Prize” dahil sa kanyang humanitarian work.

Sa ika-apat ng Setyembre 2016, idideklarang santo ng Simbahang Katolika si Mother Teresa sa pangunguna ni Pope Francis sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 36,317 total views

 36,317 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 59,469 total views

 59,469 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 129,583 total views

 129,583 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 204,197 total views

 204,197 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 281,605 total views

 281,605 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 77,438 total views

 77,438 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 55,014 total views

 55,014 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 93,433 total views

 93,433 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top