168 total views
Isasagawa sa lahat ng parokya ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang araw ng pananalangin at pag-aayuno para sa mga namatay sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa ipinalabas na circular letter ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, gagawin ang “day of prayer and fasting” sa ika-14 ng Setyembre sa kapistahan ng Exaltation of the Cross.
Inaanyayahan ni Archbishop Villegas ang lahat na mag-ayuno at tumanggap ng banal na pakikinabang.
“I invite all our priests, men and women in consecrated life and the laity to abstain from meat, partake of only one meal instead of the usual meals and receive Holy Communion on September 14. On September 15, the memorial of the Sorrowful Mother, I invite you to share with the poor the food we did not eat the day before,” bahagi ng circular letter ni Archbishop Villegas.
Pangungunahan ni Archbishop Villegas ang banal na misa sa St. John The Evangelist cathedral para sa mga kaluluwa ng mga napatay dahil sa police encounters, vigilante killings, naging biktima ng mga drug addcits at maging sa kaluluwa ng mga namatay na inosenteng sibilyan na nadamay lamang.
“This Mass will be offered for the souls of those who died violently in the past months through police encounters, vigilante killings or accidental gunshots. We shall pray for the departed peace keeping government personnel, for killed suspected criminals, for the victims of drug addicts and even more for innocent victims. I request the parish priests to invite the families of the dead to join this Mass.”paanyaya ng Arsobispo
Sentro din ng gagawing aktibidad ang “mission sending ceremony” para sa tinaguriang Ministers of Mercy” na siyang magbibigay ng pastoral care sa mga drug addicts na gustong makapagbagong buhay.
Isasagawa din sa Arkidiyosesis ang ringing of bells na simbolo ng pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagbabagong pang – ispiritwal.
“The bells in all our churches will ring simultaneously at 8:00pm from September 14 to September 21, the feast of Saint Matthew. Eight o’clock at night is the traditional time to ring the bells for Nunc Dimittis of the night prayers. It is also the customary De Profundis moment to pray for the dead. The bell ringing is an appeal to conscience. It is not a threat of death for the offenders but a call to return to the peace of the Lord by spiritual reform.” On September 14 too, the parishes will be requested to put up “Huwag kang papatay” signage to remind our people of our Christian duty to observe the Fifth Commandment,” dagdag pa ng Arsobispo, tanging sa pananalangin sa Diyos natin mapagtatagumpayan ang ating pagsusulong ng kasagraduhan ng dangal ng bawat tao.
Sa datus ng Comission on Human Rights, umaabot na sa 1,916 katao ang napapatay sa loob ng 55-araw ng Duterte’s administration war on drugs.