Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapaliban sa SK at Barangay elections, labag sa Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

 217 total views

Hindi nararapat na magtalaga ang pamahalaan maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng magsisilbing Kapitan o pinuno ng mga barangay dahil sa pagpapaliban ng inaasahang Barangay at SK Elections.

Ito ang binigyang diin ni UP Prof. Ronald Simbulan – Vice Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) kaugnay sa panukala ni House Minority Leader Danilo Suarez na pagpapahintulot kay Pangulong Duterte na magtalaga ng isang kinatawang pipili at mag-aapoint ng mga opisyal ng barangay na labag sa konstitusyon.

Paliwanag ni Simbulan, sa kabila ng pagpapaliban sa halalang pambarangay ay nararapat pa ring ang mga mamamayan mismo sa pamayanan ang mamili at magluklok ng pinuno at lider na mas pagkakatiwalaan ng buong pamayanan alinsunod na rin sa umiiral na demokrasya sa bansa.

“Hindi maganda yun, kasi application ang Barangay Elections, parang grassroots democracy so it’s good for people to elect the ones who will directly govern them kasi very direct mas maganda kung yung nirerespeto nila, kakilala nila at pinagtitiwalaan yung mamuno sa kanila.…” pahayag ni Simbulan sa panayam sa Radio Veritas.

Samantala, matapos ang dalawang linggong muling pagbubukas ng registration, tinataya ng Commission on Elections na umabot sa 2-milyon ang mga nagparehistro para sa halalang pambarangay.

Sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) tinatayang umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, pinakamarami ang mga barangay sa Region VIII (Eastern Visayas region) na umaabot sa 4,390; sumunod dito ang Region VI (Western Visayas) na may 4,051 barangay at ang Region IV-A (Calabarzon) na may 4,011 habang ang pinakakaunti naman ang bilang ng barangay sa Region XI (Davao region) na may 1,162 barangay lamang.

Kaugnay nito, naninindigan naman ang CBCP na ang pagboto ay isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,307 total views

 80,307 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 88,082 total views

 88,082 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,262 total views

 96,262 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,802 total views

 111,802 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,745 total views

 115,745 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 15,881 total views

 15,881 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top