ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG UNOS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,053 total views

Ang Mabuting Balita, 26 Oktubre 2023 – Lucas 12: 49-53
ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG UNOS
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, ang ina at ang anak na babae, at gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”
————
Si Jesus ay ipinadala ng Ama sa mundo upang maghatid ng kaligtasan. Sapagkat tumagos ang kasamaan sa apat na sulok ng mundo, ang gawain o misyon ni Jesus ay nangailangan ng KATAPANGAN na banggain ang mga umiiral na nakagawian ng kanyang mga kababayan na labag sa mga Utos ng Diyos. Kinailangan niyang magpalayas ng mga demonyo at makihalubilo sa mga kilalang makasalanan. Kinailangan niyang magbigay ng labis na oras sa pagpapagaling ng mga maysakit at sa pagbigay ng pag-asa sa mga taong naghihikahos. Ang kanyang mga itinuro at ginawa sa kanyang ministri ay nagpagalit ng mga eskriba, Pariseo at mga punong sacerdote na nagmamalaki bilang mga dalubhasa sa Batas ni Moises.
Hindi kataka-taka kung ang mga turo ni Jesus ay nagdala ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng isang pamilya kung saan may mga miyembrong sumunod sa kanyang yapak at may mga miyembrong ayaw sumunod. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng Apostolado ng Pamilya sa Simbahan. Kapag si Jesus ay nasa sentro ng pamilya, laging magkakaroon ng kapayapaan sa gitna ng mga suliranin at kahirapan. LAGING SI JESUS ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG UNOS.
Panalangin namin, Panginoon, na dumami ang mga pamilya na maglalagay sa iyo sa sentro ng kanilang buhay!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 27,241 total views

 27,241 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 33,370 total views

 33,370 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 63,512 total views

 63,512 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 83,684 total views

 83,684 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 103,887 total views

 103,887 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GREAT CONTRIBUTION

 7,640 total views

 7,640 total views Gospel Reading for May 25, 2026 – John 19: 25-34 GREAT CONTRIBUTION Memorial of the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church Standing

Read More »

SUSTAINS LIFE

 8,296 total views

 8,296 total views Gospel Reading for May 24, 2026 – John : 19-23 SUSTAINS LIFE Pentecost Sunday On the evening of that first day of the

Read More »

LIVE OUT

 8,786 total views

 8,786 total views Gospel Reading for May 23, 2026 – John 21: 20-25 LIVE OUT Peter turned and saw the disciple following whom Jesus loved, the

Read More »

LOVING RELATIONSHIP

 5,237 total views

 5,237 total views Gospel Reading for May 22, 2026 – John 21: 15-19 LOVING RELATIONSHIP After Jesus had revealed himself to his disciples and eaten breakfast

Read More »
Scroll to Top