VeritasPH

The Word, The Truth

Ang pagtalikod ng mundo sa Afghanistan

SHARE THE TRUTH

 142 total views

Mga Kapanalig, nakapanlulumo ang mga video at larawang kuha noong isang linggo sa pangunahing airport ng Kabul, ang kapitolyo ng Afghanistan. Makikita sa mga iyon ang mga Afghan na desperadong makaalis ng kanilang bansa at pilit na sumabit sa gilid ng isang US military plane na papaalis noon. Dalawa ang nahulog at namatay. Dumagsa ang daan-daang mamamayan ng Afghanistan sa paliparan matapos sakupin ng Taliban ang lungsod.[1]

Sinasabing simbolo ang nangyayari ngayon sa Afghanistan ng kabiguan ng mga bansa sa Kanluran—sa pangunguna ng Estados Unidos—na itatag ang isang demokratikong pamamahala sa bayang pinasok ng mga ito dalawampung taon na ang nakalilipas. Nagsimula ito sa “war against terror” na inilunsad ng Amerika matapos ang September 11 terror attacks na ginawa ng grupong al Qaeda ni Osama Bin Laden. Si Bin Laden ay kinukupkop noon ng mga Taliban, isang kilusan ng mga nais magtatag ng isang bansang istriktong pinatatakbo sa ilalim ng Sharia o Islamic law.

Sumikat ang mga Taliban noong dekada ’90 dahil sa paglaban nila sa katiwalian at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga lansangan. Ngunit kilala rin sila sa marahas na pagpaparusa alinsunod na rin sa kanilang istriktong interpretasyon ng Sharia. Pinapatay sa harap ng publiko ang mga mapatutunayang pumatay at nangangalunya. Pinuputulan ng mga kamay ang mga magnanakaw. Kailangan ding sumunod ang mga tao sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Taliban na nararapat para sa mga lalaki at babae. Ang mga lalaki ay kailangang magpatubo ng balbas, habang ang mga babae ay dapat balót na balót sa burka. Bawal din sa mga Taliban ang mga libangang katulad ng TV at pelikula. Ang mga batang sampung taong gulang pataas ay hindi pinapayagang mag-aral, at ang mga babae ay hindi maaaring bumoto. Marami sa mga patakaran at paniniwala ng Taliban ay itunuturing na labag sa karapatan at dignidad ng tao.

Ang palayain ang mga Afghan sa ganitong di-makataong kalagayan ang ginamit ng Amerika at mga kaalyado nitong bansa upang mistulang sakupin ang Afghanistan, bagamat malinaw na ang pangunahing layunin nila ay ang maghiganti. Itinatag din ng mga bansang ito ang Afghan National Army sa layuning palakasin ang pamahalaan ng Afghanistan. Habang may naranasang positibong pagbabago ang mga Afghan, nanatiling banta sa kanila ang Taliban—hanggang sa maganap na nga ang unti-unting pagbabalik nila sa Afghanistan.

Hindi ito ang inaasahang mangyari ng Amerika sa pag-alis nito sa Afghanistan. Nabigla rin daw ito sa mabilis na pagbabalik ng Taliban. Bagamat ikinalulungkot ng administrasyong Biden ang nangyayari, ipinasa ng pangulo ng Amerika ang sisi sa mga lider ng Afghanistan na piniling tumakas at sa pagbabantulot ng Afghan National Army na labanan ang militanteng grupo.

Mukhang hindi matanggap ng Amerika at mga kaalyado nito na ang pagbabalik ng Taliban—at posibleng pag-usbong muli ng mga tinatawag na extremist groups—ay bunga rin ng kanilang kapabayaan at hindi pagtuon sa tunay na kaunlaran ng mga taga-Afghanistan. Nasa 47% ng populasyon ang nasa ilalim ng poverty line at marami ang walang trabaho. Nasa 10 milyon ang hindi marunong magbasa at magsulat. Maraming kabataang babae pa rin ang hindi nakakatungtong sa paaralan. Yumaman ang mayayaman, lalong naghirap ang mahihirap.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Paul VI, “If you want peace, work for justice.” Kahalintulad nito ang nasasaad sa Isaias 32:17: “ Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito’y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.” Dekada ang bibilangin upang maitatag ang isang makatarungan at mapayapang Afghanistan, ngunit kahit gaano man ito katagal, kung ang atensyon lamang lagi ay ang pagpapalakas ng militar—na hindi rin naman nakamit sa Afghanistan—hindi na kataka-taka ang pagbabalik ng Taliban. Mistulang tinalikuran ng mundo ang Afghanistan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 3,944 total views

 3,944 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 19,930 total views

 19,930 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 27,975 total views

 27,975 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,055 total views

 33,055 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,761 total views

 38,761 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 3,945 total views

 3,945 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 19,931 total views

 19,931 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 27,976 total views

 27,976 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,056 total views

 33,056 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,762 total views

 38,762 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,351 total views

 44,351 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,276 total views

 41,276 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,590 total views

 55,590 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,280 total views

 59,280 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,883 total views

 57,883 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,870 total views

 67,870 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,838 total views

 71,838 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,725 total views

 82,725 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,164 total views

 95,164 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,922 total views

 105,922 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top