Ang COVID 19 vaccine ay para sa kaligtasan ng lahat – Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 811 total reads

Nananawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa sambayanang Filipino na tangkilikin ang vaccination program ng pamahalaan na layong bigyang-proteksyon ang mamamayan laban sa umiiral na coronavirus disease.

Ayon kay Bishop Mangalinao, walang dapat ipangamba ang publiko hinggil sa epekto ng bakuna dahil layunin lamang nito na tuluyang masugpo ang pandemyang lubos nang nakakaapekto sa buhay ng bawat tao.

“Ako po ay nananawagan sa ating lahat na tayo po ay makipagtulungan sa ating pamahalaan na tangkilikin ang [COVID-19] vaccines na ibinibigay para sa atin… Kaya wag po tayo matakot sapagkat ito po ay nakasasagip ng buhay at nakapagbibigay-buhay sa ating kapwa. Tutulungan tayo ng Diyos para ang pandemyang ito ay matapos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nakikipagtulungan naman ang diyosesis sa mga lokal na pamahalaan upang mahikayat ang publiko na magpabakuna sa pamamagitan ng pag-aanunsyo sa mga banal na Misa maging sa kanilang radio station.

Ito rin ang paraan ng diyosesis sa pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko upang magbigay ng kapanatagan hinggil sa kaligtasang maidudulot ng COVID-19 vaccines sa katawan ng tao.

“Ang partnership namin dito sa [Diocese of Bayombong] ay alam naman ng mga local government units na ang mga pari ay naghihikayat na mag-vaccination na. Actually we have a radio [station] here, and everyday we are inviting people to have their vaccines… Dun lang kami kinakailangan ng LGUs kasi talagang ang mga tao ay hesistant. They have to have their vaccines,” saad ni Bishop Mangalinao.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa mahigit 13.2-milyong Filipino o 12.1 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang kumpleto na sa bakuna laban sa COVID-19.

Habang umabot naman sa mahigit 17.5-milyon o 16-porsyento ng mga Filipino ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Inaasahan ng pamahalaan na bago matapos ang taon ay maging fully vaccinated ang nasa 50 hanggang 60 milyong Filipino upang maabot ang herd immunity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,216 total reads

 79,216 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,373 total reads

 157,373 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,821 total reads

 190,821 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,117 total reads

 226,117 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,473 total reads

 449,473 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,791 total reads

 157,791 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top