Ang Pilipino at Kanilang Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,280 total reads

Kapanalig, pagdating sa kalusugan, marami sa ating mga Filipino ang may “bahala na” attitude. Maraming mga Filipino ang hindi maalam at mahilig sa mga wellness check-up o preventive care. Marami sa atin, kumu-konsulta lamang sa doktor kapag may nararamdamang sakit. May mga pagkakataon pa ngang mas gusto natin na bumili na lang ng over the counter medicines kaysa patingin sa doktor. Marami pa talaga tayong kailangang gawin upang mapaganda pa ang health-seeking behavior ng mga Filipino.

Ang health-seeking behavior, kapanalig, ay mga kaugalian at gawi natin na naglalayon na mapanatili ang ating kalusugan, gaya ng paghingi ng payo sa mga health experts tulad ng mga doctor at espesyalista. Ito ay ating mga gawain upang ma-prevent o mapigilan ang mga sakit.

May  pag-aaral sa mga tuberculosis patients sa ating bansa na nagpapakita na ang social trust ay isang importanteng sangkap sa pagpapa-buti ng health seeking behavior ng mga tao. Mas maraming pasyente ang pumupunta sa mga health service professionals kapag mataas ang antas ng tiwala nila sa kanilang pamilya at kaanak. Maaaring ibig sabihin nito na pagdating sa mga nakakahawa at minsan ay nais nating itagong sakit gaya ng TB, kapag may tiwala sa pamilya, mas madaling na-address ang mga balakid sa pagpapa-check up at pagpapagaling ng mga pasyente. Ayon nga sa isa pang pagsusuri mula sa Stanford Medicine, pagdating sa mga sakit, malaking impluwensya ang pamilya sa mga desisyon ukol sa healthcare ng mga Filipino older adults.

Maliban sa hiya, ang gastos din ay isa sa mga maaring balakid sa health-seeking behavior ng mga Filipino. Sa bawat yugto ng pagpapanatili ng ating kalusugan, laging may gastos na katapat. Mula sa pagkain ng healthy food, pagbili ng gamot o supplement, check-up sa doctor, kailangan maglabas ng pera. Kaya nga’t maraming mga Filipino ang hindi nagpapagamot dahil sa takot sa gastos.

Ang hiya at takot ay malaking balakid sa kalusugan ng mga Filipino, lalo na sa mga lugar na hindi naabot ng mga health workers ng bayan. Napakahalaga ng information dissemination at mga medical missions sa ganitong mga lugar upang unti unti nating mapa-abot ang health care sa mas maraming tao.  Kailangan ding mas gawing affordable ang health care para sa lahat upang mas maraming mga Filipino ang ma-engganyong magpatingin.  Ang isang mainam na hakbang ay ang paglulunsad ng free annual medical check-ups para sa lahat ng Filipino. May mga batas na isinusulong ukol dito sa kongreso, kaya’t sana mapalago pa ito at maipasa para sa kabutihan ng mas maraming Filipino.

Kapanalig, ang ating kalusugan ay ang ating pangunahing yaman. Ito ang pundasyon para sa maayos at masiglang buhay. Kailangan mapangalagaan natin ito – at dapat, hindi nag-iisa ang mga mamamayan sa pagsasagawa nito. Ang estado ay siya dapat pangunahing kapartner ng mamamayan pagdating sa kalusugan. Sa isang pagpupulong ni Pope Francis sa mga health care workers sa Italia, nasabi niya ang ang “Cutting healthcare resources is ‘an outrage against humanity.”  Sinabi rin niya na ang pagpapagaling ng tao mula sa sakit ay hindi lamang ukol sa panunumbalik ng kalusugan, ito rin ukol sa panunumbalik ng dignidad, pagbabalik sa tao sa komunidad, at pagbibigay buhay.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,428 total reads

 5,428 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,976 total reads

 29,976 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,535 total reads

 70,535 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,027 total reads

 97,027 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,293 total reads

 145,293 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,022 total reads

 166,022 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,978 total reads

 29,978 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,537 total reads

 70,537 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,029 total reads

 97,029 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top