Ang totoong deboto ay isinasabuhay sa kapwa ang turo at halimbawa ng isang banal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 784 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones ang mamamayan na ang tunay na debosyon ay pagsunod sa mabubuting halimbawa ng isang banal.

Ayon kay Bishop Billones mahalagang tularan ng mamamayan ang gawain ng mga banal at isabuhay sa kapwa upang higit na mabigyang kahulugan ang pagdedebosyon.

“Devotion is not only intercession but imitation of our patron,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Billones.

Ito ang pagninilay ng obispo sa kapistahan ni San Antonio de Padua nitong Hunyo 13 sa misang ginanap sa St. Anthony of Padua Parish, Danao City Cebu.

Inihayag ni Bishop Billones na ang tunay na deboto ni San Antonio ay nagsasabuhay sa kanyang mga turo at halimbawa sa halip na humihiling lamang tuwing nangangailangan ng tulong.

Sinabi pa ng obispo na mahalagang ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng paglingap sa kapwa lalo na ang higit nangangailangan sa lipunan.

“The love of Christ impels us to act with gratitude. When you are loved by someone, you want to repay and show love in return, and even pass it forward. That’s why we become more generous, more loving, more patient, more committed to serve one another especially the poor,” ani Bishop Billones.

Ito rin ang mga halimbawa ni San Antonio na naging tapat sa paglilingkod sa Panginoon na ipinakikita sa pagkalinga sa kapwa lalo na sa mga dukha sa lipunan.

Si San Antonio de Padua ay isang Franciscanong misyonero na kinikilalang patron ng mga maralita at mga nawawalan ng gamit. Namatay sa sakit ang santo noong Hunyo 13, 1231 sa Italya.

Umaasa si Bishop Billones na palalaguin ng bawat binyagang mananampalataya ang debosyon kay San Antonio sa pagsasabuhay ng mga halimbawa at pagpapalaganap sa turo ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 81,967 total views

 81,967 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 104,077 total views

 104,077 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 179,163 total views

 179,163 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 177,028 total views

 177,028 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top