Maliliit na butil ng kabutihan, naipapalaganap ng Pondo ng Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 697 total reads

Hindi nababalewala ang mga maliliit na butil ng kabutihan na ginagawa ng bawat isa.

Ito ang tiniyak ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa pagsusumikap ng bawat isa na makagawa ng mabuti maging sa simpleng at maliiit na pamamaraan.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ang Pondo ng Pinoy ang isang pinaka-naaangkop na halimbawa na mayroong naidudulot na kabutihan para sa mas nakararami ang butil ng kabutihan na ginagawa ng bawat isa.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, sa loob ng 17-taon ng Pondo ng Pinoy ay malayo na ang naabot at napagkalooban ng tulong mula sa bente singko sentimos na ibinabahagi ng bawat isa.

Sinabi ng Obispo na sa simpleng pagbabahagi ng bente singko sentimos maging ng mga bata at ng mga walang-wala sa buhay ay nakalikom na ang Pondo ng Pinoy ng may 450-milyong piso na nagsilbing daan upang makatulong ang programa sa mas nakararami.

“Tingnan natin ang Pondo ng Pinoy. Ngayong taon ay ika-17 taon na ng Pondo ng Pinoy. Sa pagbibigay natin ng beinte singko araw-araw, na pati na ang mga bata ay nakabibigay, pati na rin ang mga street people ay nagbibigay ng 25 centavos, nakalikom na ang Pondo ng Pinoy ng 450 million pesos! Ilang libo na ang napakain sa mga feeding programs ng Hapag-Asa, ilan na ang mga napaaral, ang mga napagamot, ang mga bahay na naitayo, at nabigyan ng puhunan sa buong bansa? Tahimik lang ito sa pag-iipon at pagbigay ng programa pero madami ang nabigyan ng pag-asa.” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo.

Giit ni Bishop Pabillo, hindi dapat ipagsawalang bahala ang maliliit na butil ng kabutihan na ginagawa ng bawat isa sapagkat kayang palaguin ng kapangyarihan ng Diyos maging ang maliliit at simpleng pagsisikap ng bawat isa para sa kabutihan ng mas nakararami.

Ang Hapag-Asa Feeding Program ang maituturing na pangunahing programang pinuponduhan ng Pondo ng Pinoy na itinatag ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004 upang mangalap ng mga barya para sa mga programa ng Simbahan.

Bukod dito layon rin ng Pondo ng Pinoy na hikayatin ang mga Pilipino na mag-impok hindi para sa sarili kundi para sa pagtulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 116,657 total reads

 116,657 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 151,334 total reads

 151,334 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 173,853 total reads

 173,853 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 210,340 total reads

 210,340 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 221,314 total reads

 221,314 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top