Ang totoong deboto ay isinasabuhay sa kapwa ang turo at halimbawa ng isang banal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones ang mamamayan na ang tunay na debosyon ay pagsunod sa mabubuting halimbawa ng isang banal.

Ayon kay Bishop Billones mahalagang tularan ng mamamayan ang gawain ng mga banal at isabuhay sa kapwa upang higit na mabigyang kahulugan ang pagdedebosyon.

“Devotion is not only intercession but imitation of our patron,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Billones.

Ito ang pagninilay ng obispo sa kapistahan ni San Antonio de Padua nitong Hunyo 13 sa misang ginanap sa St. Anthony of Padua Parish, Danao City Cebu.

Inihayag ni Bishop Billones na ang tunay na deboto ni San Antonio ay nagsasabuhay sa kanyang mga turo at halimbawa sa halip na humihiling lamang tuwing nangangailangan ng tulong.

Sinabi pa ng obispo na mahalagang ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng paglingap sa kapwa lalo na ang higit nangangailangan sa lipunan.

“The love of Christ impels us to act with gratitude. When you are loved by someone, you want to repay and show love in return, and even pass it forward. That’s why we become more generous, more loving, more patient, more committed to serve one another especially the poor,” ani Bishop Billones.

Ito rin ang mga halimbawa ni San Antonio na naging tapat sa paglilingkod sa Panginoon na ipinakikita sa pagkalinga sa kapwa lalo na sa mga dukha sa lipunan.

Si San Antonio de Padua ay isang Franciscanong misyonero na kinikilalang patron ng mga maralita at mga nawawalan ng gamit. Namatay sa sakit ang santo noong Hunyo 13, 1231 sa Italya.

Umaasa si Bishop Billones na palalaguin ng bawat binyagang mananampalataya ang debosyon kay San Antonio sa pagsasabuhay ng mga halimbawa at pagpapalaganap sa turo ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 157,941 total reads

 157,941 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 230,449 total reads

 230,449 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 263,896 total reads

 263,896 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 299,194 total reads

 299,194 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 519,505 total reads

 519,505 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top