Pope Francis wants Bishop with the smell of sheeps-Archbishop Brown sa appointment ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Nilinaw ni Apostolic nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang Santo Papa ang may kapangyarihan na pumili at magluklok ng bagong Obispo ng simbahan.

Ayon kay Archbishop Brown, bahagi ng kanyang tungkulin bilang kinatawan ng Vatican ay ang magmungkahi ng mga pagpipilian ni Pope Francis matapos ang masusing pag-aaral at konsultasyon.

“A nuncio is the pope’s representative and he organizes and runs the process that results in the appointment of bishops by the Pope. The nuncio, when a diocese is vacant as Manila was the nuncio would do a lot of consultation, investigation of possible candidates for the position. And develops after a lot of work and consultation, we develop a list of candidates,” ayon kay Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng nuncio na nanatili ang panuntunan ng Santo Papa sa pagpili ng Obispo na pinunong kumikilala at kilala ng kanyang kawan na nagtataglay ng malalim na pananampalataya sa Panginoon.

“Pope Francis has famously said he wants bishops with the smell of the sheep. What was that mean? A bishop that is close to the people, who know their people and known by their people. And obviously he is looking for a man with deep faith and holiness,” paliwanag ni Archbishop Brown sa Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Makaraan ang isang taon, hinirang ni Pope Francis ang kaniyang kabunyian Jose Cardinal Advincula bilang arsobispo ng Maynila na nakatakdang ilulok sa June 24 sa Manila Cathedral.

Sa kasaluyan, may limang diyosesis pa sa Pilipinas ang nanatiling sede vacante, ito ay ang mga diyosesis ng Alaminos at Malaybalay; arkidiyosesis ng CApiz at Apostolic Vicariates ng San Jose Mindoro at Taytay Palawan .

Pananampalataya sa kabila ng pandemya

Umaasa din ang kinatawan ng Santo Papa Francisco na sa lalung madaling panahon ay matatapos na ang pandemya.

Ito ay upang lubos na maipagdiwang ng mga mananampalataya ang iba’t ibang tradisyon na bahagi rin ng maalab na pananampalataya ng mga Filipino.

Ayon kay Archbishop Brown, sa kabila ng mga paghihigpit ay ikinagagalak niya ang pagdalo sa mga pagdiriwang kabilang na ang 500 years of Christianity sa Cebu at ang paggunita sa naganap na unang pagbibinyag sa bansa.

“It was fantastic to see the faith of the people,” ayon pa kay Archbishop Brown.

Ikinagagalak din ng kinatawan ng Santo Papa na masaksihan ang pananampalatayang Filipino sa mga pagdalo sa iba’t ibang pista at pagdiriwang sa mga lalawigan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 156,149 total reads

 156,149 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 228,812 total reads

 228,812 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 262,258 total reads

 262,258 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 297,557 total reads

 297,557 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 517,950 total reads

 517,950 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top