Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Ang pandemyang ito ay hindi lamang nagdala ng sakit at kahirapan sa mga mamamayan, nagdala din ito ng ibayong kalungkutan, anxiety, at depression sa nakakarami. Ang pandemyang ito ay hindi lamang laban ng tibay ng katawan o lalim ng bulsa, naging labanan din ito ng damdamin.

Kapanalig, hindi natin matatatwa na kahit nagka-COVID man o hindi, ang mental at emotional toll, o ang bigat nito sa ating puso’t isipan ay minsan kay hirap dalhin. Sobrang kalungkutan at pag-aalala ang nadarama ng maraming tao – dahil ang pandemya ay tila death sentence ang hinahatol para sa kalusugan pati kabuhayan ng maraming tao.

Maraming pag-aaral ang nagpapakita na umakyat ang prevalence o bilang ng nakakaranas ng anxiety at depression mula March 2020 sa buong mundo. Sa ibang mga bansa, dumoble pa ito. Ang mga panahong pinakamataas ang anxiety o depresyon ay tuwing mas mataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID, o sa mga panahong mahigpit ang mga mobility restrictions.

Ang nagpapalala pa nito ay ang mga disruptions sa mental health services sa panahon ng pandemya. Ayon nga sa WHO, napatigil o nagambala ng pandemya ang mga critical mental health services sa 93% ng mga bansa sa buong mundo habang umaakyat naman ang demand para dito.

Kapanalig, malalim ang problema na ito at mahirap malapatan ng solusyon. Ang hamon dito ay pagbibigay ng nararapat na aksyon na hindi lamang patse-patse o piecemeal. Komprehensibo dapat ang approach sa mental health dahil hindi ito gaya ng  ordinaryong sakit ng ulo na mabigyan mo lang ng gamot ay giginhawa na ang pakiramdam. Ang anxiety at depression ay debilitating o nakakapanghina, at hindi lamang minsanan o gamot ang treatment o lunas.

Panahon na upang ating mapalawig pa ang mas malalim na pang-unawa sa anxiety at depression.  Kapag nauunawaan ng lipunan na ang mga nararamdaman ng mga mamamayan nito ay hindi arte lamang, o isolated, o normal, kanya itong malalapatan ng agarang aksyon. Ang anxiety at depression ay hindi biro, at malaki rin ang implikasyon nito hindi lamang sa kagalingan ng indibidwal, kundi pati sa pamayanan nito at ang malakawang lipunan. Napakahalaga nito – ayon nga sa Evangelium Vitae, “Decisions that go against life sometimes arise from difficult or even tragic situations of profound suffering, loneliness, a total lack of economic prospects, depression and anxiety about the future.” Ang maayos na approach o pagharap ng lipunan sa anxiety o depresyon ay isa sa mga susi sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayan sa anumang trahedya, gaya ng pandemya.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 7,602 total reads

 7,602 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 20,692 total reads

 20,692 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 125,024 total reads

 125,024 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 165,582 total reads

 165,582 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 186,036 total reads

 186,036 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 234,018 total reads

 234,018 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BSKE POSTPONEMENT

 20,695 total reads

 20,694 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 125,026 total reads

 125,026 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 165,584 total reads

 165,584 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 186,038 total reads

 186,038 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top