Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apat na bagong obispo, itinalaga sa buwan ng Agosto: “A week of consolation for the church in the Philippines.”

SHARE THE TRUTH

 163 total views

Ganito inilarawan ng Kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang buong linggo ng pagdiriwang ng mga ordinasyon at pagtatalaga sa mga Obispo sa iba’t-ibang mga Diyosesis sa Pilipinas.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng banal na misa ng pagtatalaga kay Malolos Bishop Dennis Villarojo, sinabi nito na sang-ayon sa motto ng Obispo na “Consolamini Popvle Mevs” o “Be Consoled my People”, isang pagpapala o konsolasyon para sa simbahan ang mga pagdiriwang para sa mga bagong Obispo.

Ika-20 ng Agosto inordinahan si Iligan Bishop Jose Rapadas mula sa Diocese of Ipil, itinalaga naman nang ika-21 ng Agosto sa Diocese of Malolos si Bp. Dennis Villarojo, kasunod ang ordinasyon kay Novaliches Bp. Roberto Gaa nang ika-22 ng Agosto, ang pagtatalaga sa kan’ya sa ika-24 ng buwan sa katedral ng Novaliches at ang ordinasyon naman ng bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu na si Bishop-Elect Midyphil Billones sa ika-27 ng Agosto.

CONSOLAMINI POPVLE MEVS

Dagdag pa ng Cardinal, isa ring kahulugan nito ay ang pag-aliw o aluin at damayan ang mga naghihirap, at nagdurusa.

Aniya, kinakailangang mabuksan ang paningin at puso ng isang tao upang mamulat ito, at matutunang kalingain ang mga tunay na nagdurusa.

“Kapag sinabing aliwin damayan kalingain ibig sabihin nun binubuksan din ang mata sa mga nag durusa kapag bulag sa pagdurusa hindi mo na rin parang kailangan yun panawagan na magbigay ng comfort kalinga at aliw.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Inihalimbawa pa ng Cardinal ang karanasan ng mga taong naging biktima ng karahasan, mapanira at masasakit na mga salita, mga maling akusasyon at ang mga migrante at refugee na napipilitang lumikas ng kanilang sariling bansa dahil sa kaguluhan.

Aniya, ang mga taong ito ay naghahanap ng pagkalinga at pagdamay ng Panginoon, at maipadarama ito sa pamamagitan ng pagkalinga ng kapwa.

Sinabi ni Cardinal Tagle, na ipinagkakatiwala ng Panginoon sa mga tao ang tungkuling maging katuwang Niya sa pagdamay sa mga nagdurusa.

“In the midst of unspeakable sorrow, the sorrow brought about by violence, harsh words, by biting criticism, often unfounded the destruction of name of people, and then you have this mobility of people, the millions of refugees. The cry of the earth the cry of humanity where is consolation, where can I find comfort, God will come, God will shepherd, God will console.” Dagdag pa ng Kardinal.

Bilang pagsasabuhay ng pakikiramay at pagkalinga sa kapwa, ang Diocese of Malolos ay matagal nang mayroong 15 na mga Charitable institutions na nangangalaga sa iba’t-ibang biktima ng pang-aabuso.

Mayroon itong para sa mga kababaihang sinasamantala at sinasaktan, bahay ampunan para sa mga bata, mga matatanda, mga may problema sa pag-iisip, at rehabilitation center para sa mga nalulong sa masamang bisyo.

Batid ni Cardinal Tagle na ang bawat mananampalataya ay mayroon ding sariling mga suliranin sa buhay, subalit ito ay tanda lamang ng konsolasyong tinatanggap ng bawat isa mula sa Panginoon.

Dahil dito, marapat lamang aniya na ibahagi din sa kapwa ang pagdamay at pagkalingang ito na nagmumula sa Diyos.

“Yung konsolasyon na tinatanggap natin mula sa diyos ay para makabigay ka din ng konsolasyon sa iba,” pahayag pa ng Cardinal.

Sa huling bahagi ng pagninilay, hinamon naman nito ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa, at mga layko na bumubuo sa Diocese of Malolos na maging konsolasyon at pagpapala din para naman kay Bishop Villarojo.

Hinimok nito ang bawat isa na igalang at suportahan ang bagong Obispo ng Diyosesis upang sama-samang mapaunlad ng bawat isa ang mayamang kultura na kakibat ng pananampalataya ng mga bulakeño.

Si Bishop Villarojo ay nagsilbing Auxiliary Bishop sa Archdiocese of Cebu na siya ngayong ikalimang Obispo na mamumuno sa Diocese of Malolos.

Tinatayang mayroong 196 na mga aktibong pari ang diyosesis, at binubuo ito ng 109 na mga parokya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,167 total views

 7,167 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,140 total views

 13,140 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,895 total views

 18,895 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,158 total views

 26,158 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,142 total views

 34,142 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 38,927 total views

 38,927 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 38,710 total views

 38,710 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 38,705 total views

 38,705 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 157,070 total views

 157,070 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 157,022 total views

 157,022 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 38,878 total views

 38,878 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 38,777 total views

 38,777 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 125,024 total views

 125,024 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 38,602 total views

 38,602 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 32,214 total views

 32,214 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 29,639 total views

 29,639 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 29,658 total views

 29,658 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 29,640 total views

 29,640 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 29,667 total views

 29,667 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 29,564 total views

 29,564 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top