536 total views
Nagpaabot ng panalangin ang Apostolic Vicariate of Tabuk, Kalinga para sa mga apektado ng naganap na magnitude 7.3 na lindol sa lalawigan ng Abra at Ilocos Region.
Ayon kay Bishop Prudencio Andaya, Jr., ligtas naman ang apostoliko bikaryato sa banta ng pagyanig ngunit mayroong naitalang pagguho ng lupa sa bahagi ng Lubuagan at Bontoc.
Tiniyak naman ng Obispo ang pagsasagawa ng assessment upang matukoy ang mga naitalang pinsala sa kinasasakupan.
“We are so far safe here in Tabuk. Just that the traffic to Lubuagan and Bontoc is closed due to a landslide. We are vigilant for some news in other places here in the Apostolic Vicariate of Tabuk,” pahayag ni Bishop Andaya sa panayam ng Radio Veritas.
Samantala, naramdaman din sa Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang epekto ng lindol na nagdulot ng pinsala sa gusali ng ilang parokya.
Sinabi ni Bontoc-Lagawe Social Action Director Father Apol Dulawan na patuloy ang isinasagawang assessment sa apostoliko bikaryato para matukoy ang kalagayan ng iba pang parokya na apektado ng naganap na pagyanig.
“As of now, only three parishes have given me updates. In St. Mary Magdalene Catholic Mission, Lagawe, only broken glass of the church; Saint Joseph Catholic Mission, Kiangan, some buildings are damaged; and in Our Lady of Holy Rosary Catholic Mission, Kayan, Tadian has no major damage,” ayon kay Fr. Dulawan.
Naunang nagpaabot ng panalangin si Nueva Segovia Archbishop Marlos Peralta at Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng panalangin para sa kaligtasan ng mga residente.
Read: https://www.veritasph.net/kaligtasan-ng-bawat-isa-sa-panganib-na-dulot-ng-lindol-panalangin-ni-archbishop-peralta/
https://www.veritasph.net/pag-aalay-kapwa-at-panalangin-hiling-ng-caritas-philippines-para-sa-mga-napinsala-ng-lindol/
Naramdaman nitong umaga ng Hulyo 27 ang magnitude 7.3 na paglindol kung saan ang epicenter ay naitala sa Lagangilang, Abra.
Batay sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 25 kilometro.
Paalala naman ng ahensya sa publiko na panatilihin ang pagiging handa at pag-iingat sa posibleng epekto ng aftershocks.