Archdiocese of Caceres, nanawagan ng pakikiisa sa “Tabang Bicol”

SHARE THE TRUTH

 201 total views

Kumikilos na ang Archdiocese of Caceres upang makapangalap ng tulong mula sa iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kabahayan dahil sa epekto ng bagyong Nina sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon kay Archdiocese of Caceres Social Action Director Rev. Fr. Jeffrey Briones, nakipagpulong siya kay Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual kung saan ipinahayag ng pinuno ng social arm ng Archdiocese of Manila ang intensyon na magbahagi ng P300 libong piso bilang tulong sa rehabilitation program ng kanilang arkidiyosesis.

Sinabi din ni Fr. Briones na nakikipag-ugnayan na rin sa kanila ang Catholic Relief Services para sa shelter assistance habang bukas din sila sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang mga non-government organization.

“Initially nagbigay sila [Caritas Manila] ng P300 thousand for rehab. Ang CRS tutulong din sa shelter sila yung mga naka-usap na naming sa bahagi ng Simbahan,”pahayag ni Fr. Briones.

Aminado ang Pari na halos lahat ng parokya sa Camarines Sur ay naapektuhan ng bagyong Nina at magpahanggang sa ngayon ay marami pang munisipalidad ang wala pa rin kuryente.

“92 Parishes ang naapektuhan, 56 Parishes nahatiran na naming ng tulong. Until now marami pang poste ang hindi naibabalik marami pang municipalities ang wala pa din kuryente,” giit ng Social Action Director ng Archdiocese of Caceres.

Sa kasalukuyan din aniya ay nagsasagawa sila ng donation drive para makalikom ng mga pako at yero na siyang magagamit upang maipagawa ang masirang kabahayan.

Umaapela si Fr. Briones sa mga nais tumulong sa kanilang programa na tinawag na “Tabang Bicol” na makipag-ugnayan lamang sa kanilang Arkidiyosesis.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC umabot sa mahigit 400 pamilya ang naapektuhan ng bagyo bago ang pagtatapos ng taong 2016 kung saan pinakamalaking bilang nito ay mula sa Bicol region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,275 total views

 24,275 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,280 total views

 35,280 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,085 total views

 43,085 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,694 total views

 59,694 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,473 total views

 75,473 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 25,401 total views

 25,401 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top