Diocese of Tagum, handa rin sa kanilang kauna-unahang Traslacion

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Handang handa na rin ang Diocese ng Tagum Davao Del Norte sa kauna-unahan nilang Traslacion sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego, Kura Paroko ng Sagrado Corazon de Jesus Nazareno parish sa Tagum Davao, ikinasa na ng ibat-ibang grupo kasama na ang mga ahensya ng gobyerno ang kanilang security measures na ginawa sa nagdaang Palarong Pambansa kung saan 20,000 ang kanilang binantayan noon.

“May mga Jihos at hijas del Nazareno na, may force multipliers na rin, gumawa kami ng plan A at plan B, tumulong na rin ang immediate response ng provincial government ng Davao, City government ng Tagum, PNP, Philippine Army, Red Cross, lahat ng grupo na usual na tumutulong, in activate na rin nila ang crew nung ginawa dito ang Palarong Pambansa at Batang Pinoy na may 20,000 delegates that time, yun na para sa paghahanda ng ibat-ibang ahensiya sa pagdiriwang ng Traslacion dito sa Tagum,” pahayag ni Fr. Luego sa panayam ng Radio Veritas.

Pahayag pa ng pari, inaasahan na dadagsain ang Traslacion ng mga taga Mindanao mula sa General Santos City, Cotabato, Agusan del Norte at Butuan kaya dinoble na ng mga awtoridad ang kanilang security setup.

Ayon kay Fr. Luego, isasagawa nila ang Traslacion nang minsang bumisita doon ang Mahal na Poong Nazareno, dinagsa ito ng mga mananampalataya dahilan upang humiling sila ng replica at pinagbigyan ito ng Archdiocese of Manila.

“First time ito sa Tagum dahil na rename itong parokya sa Nazareno last December 4 lang. Nung umpisa nito nung magkaroon kami ng meeting with Fr. Nick, pinag-usapan ang paglagay ng sentro disaster response sa Mindanao at napili ang Tagum so ngayon gumawa kami ng reliever house sa tulong ni Fr. Anton, at si Fr. Rick naman nag-suggest na baka pwede magbisita dito ang Nazareno, last June bumisita ang Nazareno after nun napansin namin maraming deboto sa Davao region napanisin namin. So, last October nag forward kami ng letter kay Cardinal Tagle at kay Msgr. Ding Coronel asking if pwede kami humingi ng replica at na-grant nila kaya’t dumating dito noong December 3 at naghanda na nga kami para mapagdiwang ang Traslacion dito,” pahayag pa ng pari.

Una ng inihayag ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng St. John the Baptist Church o Minor Basilica of Black Nazarene, magaganap din ang Traslacion sa Cagayan De Oro, Tagum City sa Davao at sa Catarman Northern Samar sa mismong araw ng Kapistahan, Enero -9 ng 2017.

Paliwanag ng pari, gagawin ito para hindi na bumiyahe pa ng malayo ang mga deboto ng Nazareno na nasa Mindanao upang makibahagi sa Traslacion.

Inaasahang nasa 14 na milyon hanggang 15 milyon ang makikibahagi sa Traslacion 2017.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,428 total reads

 2,428 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,380 total reads

 4,380 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,626 total reads

 12,626 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,004 total reads

 50,004 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,275 total reads

 81,275 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,016 total reads

 158,016 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,653 total reads

 251,653 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 208,031 total reads

 208,031 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 351,503 total reads

 351,503 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top