533 total views
Naglunsad ng pagkilos ang Archdiocese of Capiz para makatulong sa mga Internally Displaced Person na patuloy na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi.
Ayon kay Rev. Fr. Mark Granflor, Social Action Director ng Archdiocese of Capiz, ito ay bahagi ng kanilang pakikiisa at pagdamay sa mga naapektuhan ngayon ng kaguluhan sa Mindanao.
Magugunitang ang Capiz ay isa rin sa mga pinaka-sinalanta ng bagyong Yolanda halos apat na taon na ang nakakalipas.
Sinabi ni Father Granflor na ang pagkilos na ito ay pagnanais nila na magbalik ng pasasalamat sa mga tumulong sa kanila sa pamamagitan rin ng pagtulong naman sa mga nangangailangan ngayon dulot ng arm conflict.
“Though the Archdiocese and the province of Capiz are still gearing up towards resiliency after the devastation brought about by Typhoon Haiyan, we are awaken by our innate responsibility to be an advocate of service for the poor and underserved,” pahayag ni Fr. Granflor.
Inaasahan na magpapadala ang Archdiocese of Capiz ng mahigit 500 food packs na may lamang mga dried fish, monggo at asukal habang magbibigay din ito ng 200 Psycho-social kits para sa mga bata at 100 Hygiene kits para naman sa mga kababaihan.
Unang nagpadala ng P50 libong piso ang nasabing Arkidiyosesis sa NASSA/Caritas Philippines para sa solidarity Response ng Simbahan para sa mga bakwits.
Magugunitang una ng inihayag ng Caritas Philippines na nakapaglaan na ito ng P10 Milyong piso para itugon sa mga nagsilikas na residente ng Marawi habang ang Caritas Manila ay nakapagpadala na ng 1 Milyong piso.
Read: Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits
Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila
Maliban dito ay patuloy pa ang pagtulong ng iba’t-ibang Diyosesis sa bansa sa mga nangangailangan IDP’s partikular na ang Diocese ng Iligan ar Arkidiyosesis ng Cagayan De Oro.