Archdiocese of Manila, nagpadala na ng tulong pinansiyal sa Prelatura ng Batanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 338 total views

Nagpadala na ng inisyal na tulong pinansyal ang Archdiocese of Manila sa Prelatura ng Batanes na matinding naapektuhan ng bagyong Ferdie.

Ayon kay Rev. Fr. Ricardo “Ric” Valencia, priest in charge ng Caritas Damayan Program ng Caritas Manila, nagbigay na ng dalawang daang libong piso ang Quaipo Church na kinumpirma ng kanilang kura – paroko na si Msgr. Ding Coronel.

Agaran aniya silang tumugon sa naging panawagan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle sa pangangailangan ng mga apektadong lugar sa Hilagang Luzon na sinalanta ng bagyo.

“Ang Quiapo Church ay nagbigay na po kaagad ng Php 200, 000 according sa parish priest. So nung kasagsagan ng bagyo at ng makakuha kami ng information mula kay bishop kaagad din ho namin sinabi kay Cardinal,” bahagi ng pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Veritas Patrol.

Tiniyak ni Father Valencia na daragdagan pa nila ang pinansyal na tulong sa Batanes matapos mailahad ni Bishop Camillo Gregorio ang pangunahing pangangailangan nang kanilang prelature lalo na sa pagpapa– ayos ng kanilang Katedral at kumbento na sinira ng bagyong Ferdie.

Aminado si Father Valencia na hindi na sila makapaghahatid ng relief goods sa Batanes dahil sa mahal na singil sa transportasyon patungo sa island province.

“Patungkol sa Batanes malamang hindi po tayo makapagpadala ng relief goods dahil ang pagpapadala doon ay magastos pa kesa sa dadalhin natin na mga pangangailangan nila doon mas madali po siguro ang pagpapadala ng pera sa kanila kase meron naman mabibili doon at may pamamaraan sila doon para mas mura kesa sa tayo ang magdala,” giit pa ni Fr. Valencia sa Radyo Veritas.

Sa datos ng National Statistic Office, ang Batanes ay mayroong mahigit sa 17-libong populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 97,856 total views

 97,856 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 97,856 total views

 97,856 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 97,856 total views

 97,856 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 94,956 total views

 94,956 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 86,721 total views

 86,721 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 197,567 total views

 197,567 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top