Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prelatura ng Batanes, muling umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Maihahalintulad ni Prelatura ng Batanes Bishop Camilio Gregorio sa bagyong Yolanda ang bagyong Ferdie na nanalasa sa kanilang diyosesis.

Dahil dito, nanawagan ng tulong si Bishop Gregorio sa Caritas Manila at ilang mga concerned institutions lalo na sa pagpapagawa muli ng kanilang Katedral, kumbento at palasyo ng obispo na halos sinira ng bagyo.

Iginiit rin ni Bishop Gregorio bagaman walang naitalang casualties sa kanilang prelature ay nangangailangan pa rin ang kanilang prelatura ng mga kagamitan para maayos ang mga nasirang pasilidad.

“Ang nangyari pa dumating yung bagyo earlier than expected. So it was lahat na nasurprise nagulat, talagang napakalakas yung ating Cathedral was blown off. Yung buong kumbento ng mga pari was washed off. Buti nalang yung Bishop’s house na save pero natanggal lahat ng mga bintana, virtual swimming pool yung Bishops’ house. Ang masakit lang, yung mga bahay, mga buildings lahat yun nag suffer,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gregorio sa panayam ng Veritas Patrol.

Nag – alay rin ng panalangin ng pasasalamat si Bishop Gregorio lalo na sa presensya ng mga tao at institusyon na nagpapa – abot ng kanilang tulong at malasakit lalo na ang Archdiocese of Manila.

“Panginoong mahabagin at maawaing Panginoon, tunghayan mo ang mga tao, ang mga kapatid namin sa Batanes, na nasalanta ng bagyo, hirap na hirap sila ngayon mag reconstruct. Tulungan niyo po kami at kami ay nagpapasalamat at walang nasawi. Babangon po kami sa tulong ng inyong awa. Panginoon, basbasan po ninyo ang lahat ng mga taong tumulong sa amin, lalo na ang Veritas, Caritas at ang Archdiocese of Manila. Lahat lahat ng mga obispo at mga kaparian, lahat lahat ng mga very very generous faithful na concerned sa aming sitwasyon. Dear Lord, thank you so much for being so good to us despite of everything. Lord, have mercy on us,” bahagi ng panalangin ni Bishop Gregorio sa Radyo Veritas.

Samantala mula sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na umabot sa 409 o may kabuuang 1529 na tao ang naapektuhan ng bagyo mula sa Batanes hanggang Cagayan sa pagtama ng bagyong Ferdie sa Hilagang Luzon.

Nauna na ring umapela ng tulong at panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Batanes at hinimok ang mga mananampalataya na magpa – abot ng kanilang pagmamalasakit sa mga nasalanta ng kalamidad.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,181 total views

 29,181 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,898 total views

 40,898 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,731 total views

 61,731 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,153 total views

 78,153 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,387 total views

 87,387 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas Team

Church In Action: Nasaan ang Simbahan?

 7,949 total views

 7,949 total views Abala ang mga TVET scholar ng Don Bosco Mandaluyong sa “face shields” na panlaban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Panganib sa pagsabog ng Taal, nananatili

 7,224 total views

 7,224 total views Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mapanganib pa rin at nanatili ang banta ng malakas na pagsabog ang bulkang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top