6,213 total views
Humihiling ng “prayer for rain” ang Diyosesis ng Baguio para sa kabundukan na Benguet na natutupok ng apoy.
Ito ay matapos matupok sa siyam (9) na araw na forest fire ang 150-hektarya ng kagubatan sa Kabayan, Benguet.
Inihayag ni Father Manuel Flores, Social Action Commission ng Diocese of Baguio na wala namang naitalang biktima sa wild fire.
Ayon kay Father Flores, hindi naman nangangailangan ng agarang tulong ang Diocese of Baguio sa kasalukuyan.
“Ang ginawang tulong ng simbahan ay ang pag-assess at pag-inform. Right now actually, we are praying for rain. Kailangan ng tubig agad ng mga punong ito.”pahayag ni Fr. Flores sa Radio Veritas
Nitong Linggo naman, nasunog rin ang 20-hektaryang pine forest sa tatlong araw na wildfire sa kabundukan ng Sitio Nalseb, Brgy. Ambasador, Tublay, Benguet.
Ayon kay Fr. Flores, sanhi ng sunog ay ang pagsasagawa ng kaingin na kumalat sa mga talahib at naging wildfire.
Sa kasalukuyan, natatanaw pa rin sa kabundukan ang makapal na usok. M
Noong Marso ng nakaraang taon unang nagkaroon ng forest fire sa ilang bahagi ng kabundukan ng Benguet.