Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nakaugaliang pagpapahid ng abo sa noo, tuloy sa Diocese of Boac.

SHARE THE TRUTH

 314 total views

February 24, 2020 11:58AM

Mananatili ang nakaugaliang paraan ng pagpapahid ng abo sa mga mananamapalataya sa Diocese of Boac.

Ito ang inihayag ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. kaugnay sa karagdagang panuntunan na iminumungkahi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang pag-iingat sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 sa paggunita ng Miyerkules De Abo sa ika-26 ng Pebrero.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagiging tradisyunal ng mga mananampalataya sa lalawigan ng Marinduque ay wala ring anumang kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa isla na dapat na pangambahan ng mga mamamayan.

“Well sa amin hindi siguro, una very traditional ang aming Simbahan, second wala naman kaming case dahil kami naman ay isla hindi naman kami masyadong dayuhin and then we have no cases yet of the COVID 19 virus. So I don’t think we need to panic in that sense sa amin…”pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na maging ang sanggay ng Department of Health sa lalawigan ay wala ring anumang abiso kaugnay sa nasabing sakit na dapat na ipangamba at ikonsidera ng Simbahan kaugnay sa nakatakdang paggunita ng Miyerkules De Abo.

Nilinaw naman ni Bishop Maralit na magkakaiba ang sitwasyon sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa na dahilan ng pag-iingat ng mga Obispo sa iba’t ibang lugar.

“Naiintindihan ko yung ibang Obispo because of the dami ng tao at metropolitan ang situation nila but since we are very provincial and then insular hindi masyadong concern sa amin as katulad sa ibang lugar…”Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Bukod sa pagbubudbod ng abo sa bumbunan, pag-iwas sa paghahawak kamay sa pagdarasal ng Ama Namin, at ang pagyuko bilang pagbati sa kapayapaan ay bahagi din ng panawagan ng CBCP ang pananalangin sa kagalingan ng mga nagtataglay ng sakit.

Ang Miyerkules ng Abo ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma o ang 40 araw na paggunita ng pagpapakasakit, pagpapapako sa Krus, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus sa Krus upang tubusin ang sanlibutan mula sa kasalanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,602 total views

 2,602 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,053 total views

 36,053 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 56,670 total views

 56,670 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,371 total views

 68,371 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,204 total views

 89,204 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 6,196 total views

 6,196 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 6,809 total views

 6,809 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top