Bangkay ng NcoV Chinese patient, ike-cremate-DoH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,750 total reads

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa Chinese embassy kaugnay sa pagkamatay ng 44 na taong gulang na chinese makaraan na ring magpositibo sa Novel Corona Virus (NcoV).

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang nila ang tugon ng pamahalaan ng China sa iki-cremate na labi ng lalaki at kung saan ilalagak ang kaniyang abo.

“Itong namatay ay mayroon nang pakikipag-ugnayan sa Chinese embassy at sa Chinese chamber na i-cremate na lang. pinapaantay ko ang resulta ng pakikipag-ugnayan. Kung ike-cremate ito, dito ba mananatili ang abo o ipadadala sa China,” ayon kay Duque.

Tiniyak naman na kalihim na hindi naipapasa ang virus na mula sa bangkay nang may taglay nito.

Sa ulat ng DOH, bagamat dalawa na ang positibong nagtataglay ng ncoV at nasawi na ang isa- nasa recovery stage naman ang babaeng Chinese na unang na-detect na nagtataglay ng nakakamatay na virus.

Dalawamput-apat naman sa mga patient under-investigation (PUI) ang nagnegatibo ang resulta mula sa virus.

Sa pinakahuling datos, umaabot na sa 80 ang PUI ang binabantayan ng DOH.

Una na ring nagpalabas ng Oratio Imperata ang Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang panalangin laban sa sakit gayundin ang panuntunan ng pag-iingat na mahawa mula sa ncoV.

Tiniyak din ng DoH na bibigyang tugon ang ulat kaugnay sa sinasabing apat na Chinese na mula sa Wuhan, China na kasalukuyang nasa Romblon.

Base sa natanggap na ulat ng programang Veritas Pilipinas, ang mga dayuhang ito ay kasalukuyang nasa San Andres Hospital sa Romblon, habang ang iba pang mga pasyente ay pansamantalang inilipat sa ilang karatig na pagamutan.

“Titingnan ko ‘yan, para matutukan ‘yan,” ayon kay Duque.

Ang nasabing insidente ay nagdala rin ng takot sa mamamayan ng Romblon sa pangambang nagtataglay ang mga chinese na ito ng ncoV.

Ayon kay Duque, kagya’t niyang ipag-uutos sa DOH-Region 4-B MIMAROPA ang insidente para sa kagya’t na pagtugon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,118 total reads

 2,118 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,623 total reads

 37,623 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,107 total reads

 74,107 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,318 total reads

 92,318 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,555 total reads

 176,555 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 215,614 total reads

 215,614 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,159 total reads

 355,159 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top