Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, nagpagawa ng transitional houses sa mga biktima ng lindol sa Mindanao region

SHARE THE TRUTH

 8,009 total views

Itinakda ng Caritas Philippines ang initial turn-over ng transitional houses para sa mga survivors sa naganap na sunod-sunod na lindol sa Mindanao region.

Ayon kay Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito ay isasagawa sa ika-19 ng Pebrero para sa may 100 pamilya na nasira ang mga tahanan at hindi na maaring bumalik sa kanilang lugar dahil na rin sa fault line.

“Ang simbahan naman through NASSA, Caritas ay nagpapagawa tayo ng transitional shelters. Meron tayong mga identified na lugar malapit sa mga original houses ng mga biktima na nasira ang kanilang mga bahay,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inihayag naman ng obispo na ang mga bahay na ito ay pansamantala lamang dahil wala pang lugar na maaring paglipatan at hindi pa nila pag-aari ang mga lupang pinagtayuan ng mga bahay.

Target din ng Caritas Philippines o CBCP-NASSA na makapagpatayo ng 600 transitional houses na nagkakahalaga ng 40-50 libong piso ang bawat bahay.

“Fifty percent ay nakabalik na sa kanilang bahay, communities pero marami pa rin ang nasa evacuation centers,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Tinatayang higit sa isang libong pamilya ang nagsilikas at pansamantalang nanatili sa evacuation centers dahil sa naganap magkakasunod na paglindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Read: CBCP, naglabas ng urgent appeal para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Tinatayang may 40 katao ang nasawi sa magkakasunod na lindol kung saan naitala ang tatlong malalakas na pagyanig sa magnitude 6.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 2,266 total views

 2,266 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 10,582 total views

 10,582 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 29,314 total views

 29,314 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 45,887 total views

 45,887 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 47,151 total views

 47,151 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 17,363 total views

 17,363 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,229 total views

 100,229 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top