Mamamayan, pinag-iingat sa dumaraming “social media scammers.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 874 total reads

Pinag-iingat ng Diyosesis ng Butuan ang mamamayan hinggil sa panloloko ng ilang indibidwal sa social media gamit ang pangalan ni Bishop Cosme Almedilla.

Sa pahayag na inilabas ng diyosesis, isang scammer ang gumagamit sa pangalan ni Bishop Almedilla sa Facebook na humihingi ng donasyon para sa hindi makatotohanang gawain ng diyosesis.

Hinimok ni Father Wilbert Mark Simplicio, Chancellor ng diyosesis ang mananampalataya na maging maingat sa mga manloloko lalo sa social media partikular na kung humihingi ng donasyon gamit ang simbahan at mga opisyal nito.

Pinayuhan ni Father Simplicio ang mamamayan na tiyakin muna ang mga natatanggap na mensahe kung ito ay lehetimong nagmula sa Obispo o sa mga pari ng diyosesis upang makaiwas sa panloloko.

Ipagbigay alam din sa diyosesis at sa tanggapan ng mga parokya ang mga kahinahinalang mensahe para mabigyan ng wastong hakbang.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang simbahan sa panloloko gamit ang social media sapagkat nauna nang nagbabala noon si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, Cebu Archbishop Jose Palma, Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle at maging si Lipa Archbishop Gilbert Garcera na biktima rin ng mga scammer sa pangangalap ng pondo para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.
Read: https://www.veritas846.ph/mamamayan-muling-binalaan-sa-text-scams/

Paalala ng Simbahang Katolika ang ibayong pag-iingat lalo na’t kilala ang mga Filipino na aktibo sa social media na batay sa tala nasa 60 milyon ang gumagamit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,191 total reads

 38,191 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,370 total reads

 118,370 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,818 total reads

 151,818 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,117 total reads

 187,117 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,208 total reads

 412,208 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top